Sabi ng klasmeyt kong kanina pa yatang naghihintay sa akin sa may stage ng covered court ng subdivision namin. Nahalata kong kanina pa nga silang naghihintay.
Kasabay ng umaambong panahon, sinugod ko ang lugar [covered court] kung saan nga kami gagawa ng DIORAMA kahit medyo sumasakit ng bonggang-bongga ang ulo ko. Umakyat na ako ng stage kung saan napag-usapan naming pumwesto. Agad kong nilabas lahat ng gamit na gagamitin namin: props sa diorama (higaan, nurse, doktor, basta yung mga nakikita sa loob ng ospital). Kulang!
Ako: Sige, babalik na lang ako ng bahay. Kukuha na lang ako ng cutter, glue gun, ruler pati gunting na rin
Camarce: Sige. Sama na lang ako sa'yo.
de Guzman: Ako rin! Sama na rin ako.
Nagbukas na ako ng payong kasi medyo umaambon pa.
Ako: *kay de Guzman* Ikaw na lang humawak ng payong. Nasa gitna ka eh!
de Guzman: *lumipat sa gilid ni Camarce* Ikaw [Camarce] na lang, matangkad ka eh!
Nagturuan pa kung sino ang hahawak ng payong!
Blah..blah...blaaaahhhhhhh...
Kwentuhan, tawanan hanggang makarating sa bahay namin.
Ako: Oh! Sila Fabellore 'yon ah! Ano ginagawa nila dito?
Lalapit sila "lola" (tawag ko kay Encabo).
Ako: Lola! Anong ginagawa nyo dito?
Encabo: Pinuntahan ka namin dito. Kaso walang sumasagot.
lalapit at sisingit sa usapan si Fabellore..
Fabellore: Sa'n ba kayo nanggaling? Kanina pa kami tumatawag sa bahay nyo.
Ako: Nandoon kami sa court.
lalapit din si Malayan...
Malayan: Oo nga.
Binuksan ko na yung gate ng bahay namin. Hindi ko sila pinapasok kasi magulo ang bahay. Nahihiya ako. Naghanap na ako ng mga bagay nakailangan namin para sa project.
Fabellore: *sumisigaw sa labas* Astilla, may tubig kayong malamig?
Ako: *
Hindi ako sigurado sa sagot ko. Nag-iisip ako na sana meh tubig nga yung ref namin!
Ako: *sa sarili* Haaaaay. Buti na lang.
Kumuha ako ng baso, yung SpongeBob yung design!
Pumasok ako ulit. Sumigaw naman si Lola!
Encabo: Apo, may tubig kayong hindi malamig.
Ako: Ahh. Oo! Wait lang.
Kumuha ako ulit ng baso at sinahod sa mineral water na nakalagay sa blue na jug.
Paglabas ko.....
Fabellore: Wow! SpongeBob din 'yung baso! Ang dami aa.
Ako: Syempre.
Pagkatapos magawa ang lahat, babalik na kami sa court. Kami nila Camarce & de Guzman yung magkakasama. Humiwalay na kami kina Fabellore.
Ako: Uy! Yung brush pa pala para sa poster paint!
Camarce: Ay Oo nga pala. Sige, hanap tayo sa mga tindahan.
Unang tindahan...
Kami: Ate, may paint brush kayo?
Tindera: Wala eh.
Ikalawang tindahan..
Kami: May paint brush po kayo?
Tindero: Wala.
Ikatlong tindahan..
Kami: May paint brush po kayo?
Tindera: Wala...
Ako: Ah.. Ok po. salamat.
Ika-apat na tindahan...
Kami: May paint brush po kayo?
Tindera: Wala kami nun.
Camarce: *pabulong sa amin* Magsara na kayo!
tawanan...hahaha...
Marami pa kaming dinalaw na tindahan. Hindi lang apat!
Hanggang sa pati ang shop na nag-aayos ng mga TV at elektrik fan eh sinugod din namin.
Ako: Kuya, may paint brush po kayo?
Kuya: Wala eh.
Camarce: Kahit yung gamit na po?
Kuya: Ginagamit ko eh.
ang gandang sagot.. T_T
May sumingit na isa pang "kuya"..
Kuya2: Doon sa may Hardware.
Camarce: Saan po?
Kuya: Blaaah.... ganito..ganyan....
basta sinabi nya yung direksyon.
Kami: salamat po!
Pagkarating ng kanto...
de Guzman: Bili tayo banana-cue!
Camarce: Sige.. gutom na ako.
Ako: Ako din! nagutom na ako kakalakad.
Ayan! nakabili ng rin ng brush na maliit. Agad na kaming pumunta ng court para gumawa na ng project.
mga 1 hour kaming gumawa...
Adik nga lang! Walang kuryente sa court! Di tuloy kami nakagamit ng glue gun. Pero no-solve 'yon!
Kandila & Posporo to the rescue!!!
Mano-mano naming tinapat sa apoy yung glue stick. tapos ayun...
Nag-color din kami ng illustration board..
Ayun lang naman ang nagawa namin.
Tssssss. Isang oras na 'yon, iyon lang ang nagawa namin! Ayus ahh.
ending ng walang kwentang post