Nakarating na ako sa room. Binaba ko ang bag ko sabay kuha ng pamaypay sa bag. Umupo ako ng tahimik. Nang pumasok sa utak na na claners kami, dinampot ko ang walis at nagsimulang mag-walis...nang mag-isa.
Syempre, nandoon yung iba kong mga kaklase na late din.
Nagwawalis ako sa may harap. Nagsalita si Camille!
"Astilla, ang ganda mo pala!"
Waaaaaah! Nagulat ako sa sinabi nya. Sabi ko..
"Nyaaaaaaah! D nga! Wala akong piso. Tama ka na dyan kakapuri. haha"
Grabe! Hindi ko inaasahan yung mga salitang iyon. Maya-maya, nagwawalis na ako sa may bandang likod ng room namin. Nakita kong tumitingin si Camille sa akin! Tapos nagsilita na naman sya..
Camille: Astilla, ang ganda mo talaga
Ako: Naku! Ayan ka na naman. Bakit mo naman nasabi yan. Teka *dudukot sa bulsa* may piso pala ako dito!
Camille: Hindi..Hindi.. Maganda ka nga talaga. Alam mo, bihira lang ako magandahan sa isang babae.
Ako: Aw ganun?
Camille: Oo! Saka dati ko pa yun napansin sa'yo.
Hahaha! Ang kapal!
Dahil wala na akong masabi, nag-thank you na lang ako sa kanya at patuloy na lang sa pagwawalis.
Pagkatapos kong magwalis, nagkwentuhan kami ng kung ano-anu. Habang nagke-kwentuhan, may isa na naman akong hindi inaasahang nalaman!
Blah blah blah...
Camille: Sa TUP nag-aaral ang kuya ko.
Ako: Ows? D nga? Anong course?
Camille: Architecture!
Ako: Waah! Di nga? Sigurado ka?
Camille: Bakit gulat na gulat ka?
Ako: wala lang.
Alam mo kung bakit ako gulat na gulat? Kasi ganito yun... Doon nag-aaral si Sim. haha!
kaya ayun. Naisip ko na baka magkaklase si Sim at ang kuya ni Camille.
Maya-maya..
dung-dung-dung-duuuuuunngggg!
Eeeengggggkkkkk!....
May pumasok na guard!
Manong Guard: Baba kayong lahat!
Kami: waaaaaaah. bakit?
Manong Guard: Basta bumaba kayo.
Amante: *para sa akin* Sabi ko sa'yo Astilla na wag mong buksan yung pinto eh dahil makikita tayo ng mga nasa baba.
Ako: Eh pano ko ilalabas yung mga winalis ko?
Bumaba na kami! Nagtipon-tipon ang lahat ng 4-C. Doon kami sa may tapat ng building namin.
Camille: Ganito. Plan A. Pag nakita na nating papasok ang mga classmates natin, sabay na tayo para hindi na tayo magpasa ng papel.
Note!
Para saan ang papel? Doon namin isusulat ang pangalan at section namin dahil kami ay late! Recorded yon - BAD record.
Back to the story..
Arrghhhhh! Pumapasok na yung mga classmates namin sa building! Hindi kami maka-sabay sa kanila dahil may nakaharang na guard!. PLAN A, FAiLED!.
Ok. Plan B. Sikretong papasok sa building. Pag nagkagulo na, hindi na mapapansin ng guard ang mga late. Hindi naman siguro natandaan ni Manong Guard ang mga mukha namin ee.
Dahan-dahan...
Ganyan kami kumilos papunta sa tapat ng gate ng building namin. Whooooh! Medyo delayed ang pagpasok naming mga late, pero ako sumiksik ako at sumabay kay Matro para hindi halata! SUCCESS! Nakapasok ako.
Buti na lang.
Lahat kami nakalusot!
Whoohooooh! Pagdating sa room, sigawan kaming mga late! hahaha. Tawa ako ng tawa.
And we lived happily ever after. The End.