Nanay: makpag-break ka na sa kanya.
Tatay: Oo nga. para makapag-concentrate ka sa pag-aaral mo.
Nung una, parang marahas ang dating ng mga salitang iyon sa akin. Syempre, in love ako sa isang lalaki.
Naisip ko..
Ako: Hindi nyo kasi ako naiintindihan! Mahal na mahal ko ang taong iyon. Hindi ko sya kayang i-break o kahit cool-off man yan. Pinagbubuti ko naman ang pag-aaral at lalong pinagbubuti pa dahil may inspirasyon ako at siya 'yon. Hindi naman sya sagabal sa pag-aaral ko. Matataas naman ang mga grades ko sa school. Wag nyo naman syang paalisin sa buhay ko kasi ayaw ko syang umalis!
Ang drama no? Pero totoo yan! Alam kong naisip mong ma-drama ako. Sadyang ma-drama lang ang buhay ko at wala ka nang pakialam o magagawa doon.
Simula noong linggo [July 12, 2009], nag-isip isip na ako kung ano ang gagawin ko sa taong mahal ko. Hindi lang mahal, kundi MAHAL NA MAHAL! Ayaw ko talaga syang pakawalan.
Hanggang sa pag-tulog pinag-iisipan ko iyon. At bago matulog. pinagpe-pray ko pa iyon kay God. Syempre, sya lang ang makapangyarihan at alam na nya ang lahat ng future na mangyayari sa akin. At para na rin humingi ng guidance at comfort sa Kanya. nakz!
Kinabukasan [July 13, 2009], kinausap ako ulit ng aking mga magulang. Gabi 'yon. Parang nagkaroon kami ng Family Counseling. Ayun, sermon at advices na naman ang aabutin naming magkakapatid.
Tatay: Blah..blah..blah.. Kaya dapat kayo, magbo-boyfriend lang kayo pagkatapos ng pag-aaral nyo at pati na rin ng mission nyo.
Kapatid1:*ilalapit ang bibig malapit sa tenga ko* Oo nga! Wag muna magbo-boyfriend.
Ako: *sa isip* nagpapa-rinig na naman. papansin!
Nanay: Oh tama na yan.. Ikaw, Vanezza, hiwalayan mo na yang si Sim.
Ako: .....
Tatay: Oo anak. Alam mo, mas may makikita ka pang lalaki kaysa sa kanya. Pangako yan. Malay mo, after mission, may makikita ka pa.
Sisingit si nanay..
Nanay: At kung kayo nga ni Sim para sa isa't isa, kahit hindi kayo ngayon, sa huli, kayo pa rin ang magkakatuluyan. Wag mo lang unahan ang panahon.
Nagiging seryoso na kami.. Para akong nasa "hot seat".
Tatay: Na-in love ka na ba sa kanya?
Ako: Opo. Na-in love na po ako. hanggang ngayon.
Nanay: Ay dapat maaga pa lang, pinigilan mo na yang sarili mo.
Ako: Eh kasalanan ko ba na na-in love ako sa kanya? *nangingiyak na. pero hindi pinapahalata*. Hindi ko naman sinasadya na ma-in love ako sa kanya aah!
Tita: Kaya nga dapat pinigilan mo muna.
Ako: Eh hindi ko nga mapigilan! Magagawa ko eh sa mahal ko na sya?
Nanay: Basta anak, wag muna mag-ganyan. May tamang oras para dyan. At kung mahal ka talaga nya, hihintayin ka nya at maiintindihan ka niya. Ang bata mo pa anak!
Tatay: Magtiwala ka sa akin anak, marami pang darating dyan.
Kapatid2: Ganyan talaga daddy. Magaganda mga anak mo eh.
Ako: *sa isip ko* Ayaw ko na ng iba. Gusto ko sya lang..
Hahahaha! Sabay tawa sila. Tahimik lang ako.
Tapos niyon, nag-share ng mga kwento ang mga magulang ko tungkol sa mga consequences pag nakagawa ka ng kamalian.
Tatay: ..Umiwas na lang sa mali dahil mahirap nang itama iyon at hindi mo na maibabalik iyon [kamalian] kung nasa time ka na kung saan nakaharap mo na ang consequnces ng mali mong paggawa.
Oo nga. Tama sila. Pero hindi naman kamalian ang mag-mahal di ba? Hindi kasalanan ang mahalin ko siya.
Bago matulog, nag-pray ulit ako. Syempre, kasama yung gagawin ko sa prayer ko. Humiga na ako..Nag-isip isip..
Naiiyak ako! Hindi ko talaga alam ang gagawin ko.
Paano ko 'yon sa kanya sasabihin?
Tatanggapin nya kaya ang mga sasabihin ko?
Sana naman hindi sya magalit sa akin.
I hope kami forever.. ..
Mahal na mahal ko siya..
Ayan ang ilan sa mga naiisip ko bago ako matulog noong gabi.
Kinabukasan... [July 14, 2009]
Kinausap ko ang seatmate ko sa school. Sya si Jane. Na-kwento ko na sa kanya ang tungkol sa gagawin ko sa Friday, ang papakipag-cool off/break. Actually, hindi ko pa talaga alam kung break o cool-off.
Ako: Jane, kinakabahan na talaga ako sa Friday...blah..blah..blah..blah.....blaaaaaaaaaahhhhhhhhh.. *nagkwento lang ako sa kanya*
Jane: Kawawa naman sya.. Pupunta sya dito, tapos uuwi lang syang sawi.
Napaisip ako. Oo nga nuh! Kawawa naman. Pero hindi ko naman ginusto ang gagawin kong 'yon eh. Para sa amin dalawa din ang gagawin kong 'yon.
Ayan ang mga naisip ko. Parang nakonsensya ako doon ah! Hay naku! Hindi ako stable sa desisyon ko. Pa-iba iba. Parang naguguluhan na yata ako.
May isa pa.. Nung pag-uwi ko, kasama ko ang bestfriend ko, si Marvin.
Sa pedicab, napag-usapan din namin ang tungkol sa gagawin kong napaka-hirap.
Marvin: Alam mo Vane, kung mahal mo talaga sya, kailangan mo syang ipaglaban.
Ako: Oo nga eh. Kaso sila mommy eh...Hindi naman sa hindi ko sya kayang ipaglaban. Ilang beses ko na syang napaglaban..at hindi ako sumusuko, pero kung kailangan na talaga, gagawin ko...Hindi naman sya sagabal sa pag-aaral ko.
Marvin: E di sabihin mo 'yon.
Blah..blah...blah..
Hanggang sa ...
Tok tok tok ...
Naka-uwi na ako ngayon sa bahay. Nag-kiss ako kay mommy. Kumain ng lunch..
Tumabi ako sa kanya.
Tumetyempo ako at nag-iipon ng lakas.. May sasabihin ako.
Ako: Ma.. Hindi ko yata kayang makipag-cool off kay Sim.
Nanay: Bakit naman?
Ako: Ewan ko. Hindi ko talaga kaya eh.
Ayun. Nag-usap kami ng kaunti. Bigla na naman ako napunta sa konklusyong, "gagawin ko iyon".
May mga sinabi sa akin si mommy na naramdaman kong tamang-tama sya & kailangan ko talaga silang sundin.
Ngayon. Nagdedesisyon pa rin ako. Nalulungkot, nanghihinayang at parang mababaliw na sa kailangang gawin ko....
..Nagna-nais na tumigil ang oras, gustong palagpasin ang araw na iyon nang hindi nararanasan ang mga mangyayari dahil alam ko sa sarili ko na magiging malungkot & isang malagim na araw iyon para sa akin..
pero sa huli, siguradong magiging masaya ako sa desiyong nagawa ko. Hindi lang ako ang masaya, pati na rin sya.