alamat ng arinola

PAUNAWA! Ang alamat na ito ay gawa ko lamang para sa aming proyekto sa asignaturang Filipino at nilagay ko lang ito dito para..wala lang. Ito ang original story nya. ..by me.

Ang Alamat ng Arinola


Noong unang panahon, may isang matandang babaeng nakatira sa isang kabundukan na kasama ang kanyang nag-iisang apo. Sya si Lola Meding at ang apo nya naman ay si Bentot. Simple lang ang kanilang pamumuhay. Sa mga ilog sila kumukuha ng inumin nila, tubig para sa pagluluto, panligo at kung anu-ano pa. Kahit ganon ang buhay nila, hindi sila nagrereklamo at masaya sila.

Lumaki naman sa mabuting asal ang kanyang apo. Hindi ito nagbigay ng sakit ng ulo sa kanyang lola. Kaya nga lang, hindi sya nakakapag-aral dahil walang paaralan doon. Ang lola nya na lang ang nagtuturo sa kanya ng mga ABC at 123.

Sa isang malamig na gabi, masayang nag-igib si Bentot ng tubig mula sa ilog. Nilalamig sya! Hindi na nya natiis na mag-wiwi na lang sa lupa.

*Ssssssssssss*. "Ahay! Nakaraos na rin!", sabi ni Bentot.

Pakatapos niyon, umuwi na sya agad sa kanilang kubo.

"O apo. Bakit natagalan ka?", manginignginig na sabi ni lola.
"Ahh. kasi po, nag-wiwi pa po ako..", sagot ni Bentot.
"Ganun ba? Hala! Mag-init ka na nga tubig at nilalamig na ang lola mo", patapos na sagot ni lola.

Mayamaya lang ay naghanda na sila para matulog.

Nang....

"Ang lamig talaga! Na-wiwi ako.", sabi ni lola Meding nang hihiga na sana sya sa kama.
Tinignan nya ang kanyang apo na natutulog. Dahan-dahang naglakad si lola.

"Wala pala kaming inidoro man lang dito! Hay naku naman! Lalabas pa ako para mag-wiwi", wika ni lola sa sarili.

Mukhang tinamad nang lumabas si lola. Hindi na nya napigilan ang pagtulo ng kanyang wiwi. Nag-wiwi si lola!.
Dahil doon, nainis sya. Naisipan nyang gumawa ng isang bagay na makakatulong sa kanila sa kanilang pag-wiwi - bagay na hindi na nila kinakailangang lumabas ng bahay para lang mag-ganun.

Kinabukasan, ginawa na ni lola ang kanyang plano! Parang nag-transform si lola mula sa pagiging ugud-ugod at mahinang lola at naging Super Lola.

ha-ha-ha-ha. korni.

Umakyat si lola sa mga puno ng niyog na parang si Spiderman; nagbuhat ng mga pako, lagari, martilyo, at mga kahoy na pang-sibak na parang si Incredible Hulk.
Nalaglag ang panga ni Bentot sa kanyang nakita!

"Anong masamang espirito ang sumapi kay lola at nanging ganyan sya?!", sabi ni Bentot.

Whoooooosh!

"whoooh lola! ang astig nyo!", sigaw ni Bentot para i-cheer ang kanyang lola.

Pok! Pok! Pok! Tugsh! Tusgh! Tusgh! Eeengk! Pok! Pok! Pok!.

TA-DA!

Lalong nahulog ang panga ni Bentot at lumaki ang kanyang mata na parang luluwa nang makita niya ang likha n kanyang lola. Naisip tuloy nya na isang henyo ang kanyang lola.

Nang biglang..

"Ano po 'yan?!", tanong ni Bentot sa lola.
"Grabe ka apo! Gulat na gulat ka sa nakita ni hindi mo naman alam kung ano ito.", sagot ni lola.
"Ano nga po iyan?", sagot ni Bentot nang parang naiirita.
"Ang tawag ko dito ay.."Pag-aari ni Lola"!", proud na sagot ni lola Meding
"Eh bakit naman po ganun ang tawag nyo??", tanong ulit ni Bentot
"Kasi apo, ako ang gumawa nito ako ito'y akin", sagot ni lola.
"Ibig sabihin po n'yon, hindi ako pwedeng gumamit nyan? Teka teka lola. Anu nga pala gamit nyan?", hirit ni Bentot
"Dito, pwede tayong mag-wiwi kahit nasa loob tayo ng bahay. Pwede mo na rin itong gamitin.", sabi ni lola

Dahil ngayon lang nakaalam ng ganung bagay si Bentot, amazed sya ng bonggang-bongga.

At nagamit nga nila iyon para sa kanilang pag-wiwi. Hindi na nila kailangang umupo sa lupa para gawin ang "seremonya".

Habang tumatagal, marami na rin ang gumamit nito. Ginawa na lang na "arinola" ang tawag dahil masyadong mahaba ang "pag-aari ni lola" pag iyon pa ang ginamit nila.
Malaki ang naiambag ni Lola Meding para sa ating lahat. Kung tinatamad kang pumunta ng banyo pag gabi, arinola to the rescue! Kung natatakot kang bumangon ng gabing-gabi para lang mag-wiwi, arinola will save your night! XD

up