sa loob ng jeep

Habang nakasakay ako sa tricyle.. (ngayon iniisip mo kung bakit tricycle at hindi jeep ano? haha) .. syempre nagmumuni-muni ako. Biyernes 'yon, kasama ko ang mahal ko dahil nag-pasama ako sa kanya sa Robinsons. (yiheee) .. Magpapasama lang naman ako para bumili ng project.

Ayun na nga.. papunta kami ng Rob. Trapik ng konti! Nakikita ko ang mga pangyayari sa isang jeep na nasa unahan namin.
Eto yung mga nakita ko sa loob ng jeep:

1. Babaeng tulog na may kandong na sanggol - ayus din toh ahh! Parang walang pakealam sa anak nya. Panu kaya pag nahulog yung anak nya? Dun pa naman sila sa may labasan.. Ang chaka nga eh! Nagsa-slide na yung bata sa binti nya, hindi pa rin nya nararamdaman. Parang mantika kung matulog - hindi nagigising sa pagalog-alog ng jeep.

2.Tulala - Siguro bored ang lalaking ito. Naka lumbaba pa at mukhang may sariling mundo. Tssss. Kilala ko pa sya! At tingin ko lumampas na sya sa dapat nyang pupuntahan. Sa sobrang pagmumuni-muni nya, eh kulang na lang ang tumutulong "tubig" mula sa bibig nya. XD

3.Babaeng puno na grocery - kawawa naman ang isang 'to! Paano kaya sya bababa kung ang katabi nya eh isang babaeng busy sa paghilik at lalaking nagde-day dreaming? Hahaha! Concerned citizen ako ahh. XD


Ayun yung mga nakita ko. Sa walang magawa nyon, 'yon yung napansin ko. Tapos kong mangealam sa buhay ng iba, nakipag-kwentuhan na ako sa mahal ko. hahaha!

Maya-maya naman, may nakita ako. Eto naman..

1.Babaeng nagte-text - Parang ayaw na ayaw nyang mabasa ng katabi nya ang kanyang pinagta-type sa kanyang cellphone. Siguro boyfriend nya 'yong ka-txt nya! Ayiiiiiee.

2.Ang "Head-Banger" - akala mo rakista nuh?? Dyan ka nagkakamali! Batang lalaki na kasama ang kanyang tatay yata o tito (malay ko ba dun!?).. Nasa harap sya ng kanyang kasamang boy (tatay o tito nga) na nakatayo. Parang ayaw kandunin. Wawang bata. Bakit head-banger? Kasi, super duper antok na yata yung bata pero pinipilit pa rin nyang idilat yung mata nya. 'Yon tuloy resulta ng pagpupumulit nya, gume-gewang gewang yung ulo nya. Basta yun na yon!

3.Estudyanteng nakatakip ng panyo - Siguro dahil sa may "power" yung katabi nyang manong na nakasabit ang kamay sa may hawakan sa taas ng jeep. Kakahilo! Nyahahaha.

Iyon lang naman ang aking nakita. Malay ko ba yung nasa pinakaloob ng jeep. Na na reach ng mata ako.







Ok ok. walang kwentang post. :)

up