Kahit na late-receiver ang cellphone na 'yon, mahal ko 'yon.
Kahit halos sumabog ako sa inis dahil late receiver nga, mahal ko pa din 'yon.
Kahit ilang beses ko syang nabagsak, hindi ibig sabihin nun na wala na syang kwenta.
Kahit na-confiscate s'ya, pinagpilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya. pinilit kong mapasaakin sya ulit.
Pakiramdam ko, tao na ang cellphone ko. Ewan ko ba.
Dahil sa kanya, nakaka-usap ko ang taong mahal na mahal ko. Nagkakaroon ako ng paraan para makausap ang baby ko kapag hindi kami mgkasama. Kapag inaapi ako sa bahay (haha. inaapi talaga), nakakausap ko yung baby ko. Tapos, hindi na ako nalulungkot.
Malaking kawalan talaga siya.
Sige. Ikukwento ko na ang buong pangyayari..Summarization na lang ng pangyayari. Nakakatamad.
Marso 25, 2010. sa SM *****. Nasi-CR ako. Nasa food court ako kasama ang pamilya kong mahal.
Naglakad ako. Nasa CR na. Pumila. Naghintay. Nakaraos. Lumabas ng cubicle. Humarap sa salamin. Nagsuklay. Nag-pulbo. Lumabas sa masikip na CR. Naglakad ulit. Binuksan ang zipper..zipper ng bag ko. Hinalungkat ang laman ng bag para hanapin ang cellphone. Nagulat. Hindi makapa ang cellphone. Nataranta. Tumakbo pabalik sa mesa kung nasaan kami naka-upo. Nagsumbong sa magulang. "Inay, itay! wala ang cellphone sa bag! Alam ko nandito lang 'yon!". Tinawagan ng daddy ko ang cellphone. Toot toot tooot. Out of coverage area. Patay! May nakakuha na nga ng cellphone. Nangingiyak na ako. Nag-violent react ang kapatid ko. Pressure! Tumakbo ako pabalik ng CR. Wala! Wala talaga! Naku! Wala na nga ang cellhphone.
Umupo ako sa upuan. Malamang. Nanahimik ako. Naiiyak na kasi. Naramdaman ko na mahal ko talaga ang cellphone. Naisip ko. Unli pa 'yon. Mga tatlong oras pa lang unli 'yon. Sayang!
Ayun. Dun nagtatapos ang serbisyo nga cellphone ko sa akin.
Naway maging masaya ka sa kamay ng iba.
Pahabol.
May picture ako kasama ang cellphone ko. Hindi ito sinasadya. Buti na lang.
Wag mo nang pansinin ang mukha ko. Alam kong panget. Haha. XD