Naalala ko pa ang first day ko nung fourth year ako. Halos kalahati ng classmates ko ay hindi ko kilala, kilala lang sa mukha at ngayon lang nakita. Naisip ko, "hala! baka aabutin ako ng buwan bago ko makilala ang lahat". Buti na lang may mga classmate ako na naging classmate ko nung third year ako. May friends ako. Yeah, friends.
Pumasok ako sa room. Wala akong malapitan. Nahihiya. Nanliliit. Ewan ko ba kung bakit. Pakiramdam ko nag-iisa ako. Talagang nag-iisa ako. Naiinis ako. Sabi ko sa sarili ko, "kawawa naman ako". Oo, kawawa ako. Pati sarili ko, kinakausap ko. Ganyan talaga ako nung unang pasukan.
Unang "klase". As usual, binigay ang schedule ng subjects namin. Una kong hinanap ang salitang "break" o "recess". Nagulat ako. 15 minutes lang break namin. Ang layo pa ng canteen sa amin. Tumahimik lang ako. Ayaw ko naman mag-react dahil wala akong kadamay. Mukha na akong abnoy nun.
Adviser namin? Ayun, first impression ko sa kanya, mataray na kengkoy. Tama nga. Ganun nga si ma'am. First impression lasts. Cool.
Hindi mawawala ang seating arrangement. Sa fourth year life ko na ito, apat na klase ng seating arrangement ang na-encounter ko.
1. Alphabetical order - common na yan sa lahat ng estudyante. Hinding-hindi yan mawawala. Syempre, laging nasa unahan ang apelyidong nagsisimula sa "A". Naku, Astilla pa naman ako. Sanay na ako. Laging nasa harapan ng klase.
2. Boy-Girl-Boy-Girl - kilala din sa tawag na "alternate". Pangalan pa lang, alam mo na kung paano itsura nyan. alphebetically arranged kayo pero may nakapwestong classmate na opposite sex sa'yo. 'Yun na 'yon.
3. According to height - weird nuh? Sa totoo lang, mahirap gawin nyan. Ewan ko ba sa teacher ko sa Ekonomiks kung bakit yan ang naisip nyang arrangement. Paano ginawa. Step one, pinalabas kaming lahat ng teacher namin at pinapila by height - maliit hanggang pataas. Umabot kami ng first floor sa haba ng pila. Step two, pinapasok kami isa-isa. Alternate din, boy-girl-boy-girl. Step three, umupo sa upuan.
4. Kanya-kanya - 'Yan na ang aming arrangement habang tumatagal ang pasukan. Napapalipat ka sa ibang upuan dahil ayaw mo ng katabi mo, gusto mong katabi crush/bf-gf mo, nandoon yung barkada mo o di kaya hindi nadadali ng hangin ng electric fan ang pwesto mo. Nandyan man ang teacher o wala, kanya-kanyang seating arrangement kami..sila pala.
Alam ko na ang lahat ng estudyante ay may problema. Boyfriend, girlfriend, baon, magulang, kapatid, walang assignment, hindi pa gawa ang project, na-confiscate ng teacher ang cellphone dahil nahuling ngte-text, walang ballpen at higit sa lahat walang papel. Oo, walang papel!
Hindi nawawala sa mga bibig namin ang mga salitang..
"Penge pulbo", "Penge papel", "May assignment ka? Pa-kopya naman!", "May quiz ba? Peram notes!", "Peram cellphone", "Peram suklay", "Peram salamin", "Peram pamaypay..atbp.
Isa ako..Isa ako sa hinihiraman. Kumbaga, National Bookstore ng klase.
Ballpen, papel (1/4, 1/2 crosswise at one whole na papel), stapler, gunting, glue, ruler, protractor, compass (yung pambilog), eraser, lapis, "liquid eraser" (pambura ng tinta ng ballpen) at marker. Sosyal!
Meron pa! Pulbos, alcohol, lotion, at pabango.
Madami rin kaming nagawang activities. May Astrocamp, MathCamp, Campus Tour, Mini Intrams at hindi ko na maalala ang iba. Gumawa na rin kami ng documentary. Eto..
Hahaha. 'Yan ang unang documentary na inedit ko. Fortunately, maganda ito at nagka-grade kami ng 95! Whoah! Worth-it ang eye strain na inabot ko sa paggawa ko nun.
Itong buhay highschool ko na ito, hindi ko naranasang..
- ligawan ng kaklase kong lalaki
- maging super sikat at kilala (slight lang)
- active sa mga activities
- sumali sa prom
- mag-cutting classes
- mag-over-da-bakod
- ma-bring mother (with plastic cover)..korni
- madala sa clinic
- GUMALA.
naranasan ko namang..
- mangopya. (oh! wag mong sabihing di mo nagawa yan?)
- mag-CR sa maduming CR
- matulog sa klase. partida, nasa harap pa ako
- mag-text kahit na may teacher
- pumunta ng canteen nang mag-isa
- mautusan ng teacher
- hindi nakapasok sa klase dahil nautusan
- taga-check ng attendance sa buong taon (TLE)
- maging leader ng isang grupo kahit ayaw ko
- matapilok kahit flat yung school shoes ko
- makipaghabulan sa papel
- lumusot sa mga bakal na harang
- sumilip sa telescope
- mag-over night sa school
- sumali sa taekwondo at nag-quit
- mawalan ng mahigit sampung pamaypay..oo, SAMPU!
Kamusta naman ang utak ko?
Kahit papano eh matalino naman ako. Gusto mo patunay?
Top 9 ako nung first grading
Top 8 ako nung second grading
Top 6 ako nung third grading (hindi ako sigurado, narinig at sinabi lang sa akin).
Improving di ba?
Naranasan ko na rin ang kumopya ng assignments. Tatlo lang naman ang dahilan: nakalimutan, hindi nakagawa o tinatamad lang gumawa. Tinatamad ang pinaka-common na dahilan.
Hindi ako naka-dalo (wow. naka-dalo daw!) sa Prom Night ng school namin. Hindi naman ako nagsisi kahit na once-in-a-lifetime ang prom sa highschool. Paano kasi, may valentine's party kami sa church nun. Ayus lang naman. Hindi naman malaking kawalan. ok.
Ngayon, nalalasap ko na ang simoy ng 4th Grading. Bakit?
1. Wala nang pumapasok na teacher para magklase.
2. Nanghihingi na sila ng clearance.
Medyo nakakamiss din ang klase. (weh?)
Wala na kasi masyadong magawa at wala nang nagpapa-antok sa akin.
Malapit na ring mag-graduation!
Speaking of graduation, naririnig ko sa mga iba kong classmates na "siguradong maiiyak ako sa graduation natin!". Waa. Hindi ko naisip ang mga ganyang bagay. Hindi naman sa hindi ko sila mamimiss, hindi ko lang talaga alam ang mangyayari sa akin. Alam kong mababaw ang luha ko pero mukhang (oo. mukha lang) hindi ako iiyak.
Picture ko na naka-toga yang nasa baba. Nakakatakot nuh? Pero sign yan na matatapos na ang buhay highschool ko. Waaa! Apat na taong pag-aaral pa. Apat na taon pa ang aantayin ko bago ko matapos ang lahat. Apat na taon pa!!
Actually, excited na talaga akong mag-college. Siguro magbabago pa yan kasi hindi ko pa naiisip yung paghihirap na nararanasan ko sa college. Papayat ako sa dami ng gagawin! Whooh! papatay daw! Sana naman!
Ilang araw na lang, graduation na. Mamimiss ko highschool. Sobra.
bye-bye highschool life..hello college life :")
ps: excited na akong makuha ang yearbook! yeah!