Bye highschool. Haaaay. Salamat dahil tapos na ang buhay highschool pero parang mamimiss ko ito. Isa sa event na mangyayari ay ang graduation. Patunay ito na hindi ka na highschool at tumatanda ka na. Hindi mo ito pwedeng atrasan kahit gustong gusto mo pang mag-fourth year.
Naaalala ko pa noong first year ako, gustong gusto ko nang mag-graduate agad para tapos agad. Nakakatamad kasi. Hindi naman pwede. Asa pa ako. Kaya 'yon, hinayaan ko na dumaan sa buhay highschool. May paghihirap, may sarap, may saya, at may lungkot.
Kanina, graduation. Hindi ako naiiyak. Siguro simula pa lang. Parang ang weird naman kung iiyak ako agad kahit wala pang nangyayari. Nakakahiya.
7:00 ng umaga ang graduation. As usual, hindi nag-start nang nasa oras. Haaay. Filipino time. Nag-marcha kami papunta sa upuan. Hindi mawawala ang Alma Mater Song, Graduation Song, Bayang Magiliw este Lupang Hinirang, Panatang Makabayan, Cavite Hymn, Imus Hymn at scripted na dasal. Medyo nakakaboring. Feeling ko, nagpa-practice lang kami. Maingay at magulo talaga kasi kami. Lumabag sa memorandum. Sabi walang camera, pero kalat ang mga nagko-kodakan. Sabi walang pagkain at tubig, pero makikita mo ang mga patagong umiinom ng tubig at dumudukot ng biskwit sa bulsa. Haaay. Fourth year nga naman. Sinusulit ang kalokohan bago umalis ng paaralan.
Pagkatapos ng kuhaan ng mga certificates ng 1,389 na graduates, kumanta kami ng aming "theme song" - through the years. Ang senti ng kanta. 'Yon na nga, tumugtog na ang intro ng kanta. Inisip ko na iiyak ako. Hindi pala! Akbayan kami habang kumakanta. Maya-maya nung patapos na ang kanta..nga 2 minutes na lang ang natitira sa kanta, nagyakapan na kami at umiyak! Oo, umiyak! 'Yung iba, hindi naiyak. May isa akong nakita, pinipilit nyang umiyak. Siguro, para "in" s'ya. Sira ang mga make-up namin. Niyakap ko halos lahat ng taong nakita ko. Grabe, "mamimiss kita" ang pinika-common na nasabi ko sa kanila. Kainis nga eh. Wala akong camera. Nasa mommy ko. Haaay.
Kahit lalaki, niyakap ko. Waw. Di ako makapaniwala. Buti hindi ako nailang. NAdala na rin siguro ng damdamin.
Hanggang sa matapos ang seremonya, iyakan kami, kuhaan ng pictures at hubaran ng toga. Grabe ang init.
Sana maging masaya ako sa college life ko. At siguradong mag-eenjoy ako dahil excited na ako! Gusto ko nang mag-take ng Fine Arts. Tsk tsk. Dalawang buwan pa hihintayin ko.
Pagkatapos nyon, kumain kami sa labas. Hindi "labas ng bahay". Pilosopo.
Kasama namin si Simpoy kaya masaya ako. Hahaha. Kahit noong oras ng graduation ay tinatabihan ko siya. Ayii. Kinikilig naman. :D
Ayun..kain kami. Busog. Solb!
Para masaya, share ako ng pictures nung kumakain kami. :)
TA-DA!
Haaaaaay. ayan na mga. Pagod na pagod ako. Pero sulit naman.
Kumain na sa labas, kasama pa ang mahal mo at graduate ka pa = kasiyahan..pesensya, mababaw lang kasiyahan ko.