Eto na. Lumabas ang "excited version" ko nung pasukan na.
Sa gabi bago ang araw ng pasukan, nag-set na ako ng aking alarm clock sa cellphone ko ng "3:30". Ang aga, 'di ba? Asahan nyo na iyan sa mga taong excited, lalo na ang mga "first-timers".
June 15 na. Pasukan na! Nauna pa akong nagising sa alarm clock ko. Grabe. Nasobrahan talaga ako ng pagka-excite kaya ni-reset ko ang alarm clock ko. Plus 10 mins. pa. Eh 'di 3:40 ako gigising. Balik tulog ako. Pero hindi nangyari 'yon! Nag-iisip isip na ako kung ano ang mga mangyayari sa araw na haharapin ko.
Sabay kami papasok ng TUP ni Sim. Excited ulit. Kinikilig pa.
Kaso...
Kasabay kong umalis ang tatay ko. Sumakay na kami ng bus. Nag-aalala na ako. Hindi ko makakasabay si Sim! Kinukulit ko ang tatay ko. Pero nanahimik na din ako dahil may tiwala ako sa tatay ko. Hindi nya ako bibiguin. Naks.
Umaandar na ang bus. Vrooooooom! Malapit na kami sa meeting place SANA namin ni Sim. Bumagal ang takbo ng bus. Mukhang dadakot ng pasahero. Ginala ko na ang paningin ko. Nagbabakasakali na makita siya. Pumunta naman ang tatay ko sa tabi ng driver at nakiusap ng kung alin. Yumuko na lang ako nang maramdaman ko na umaandar na ang bus. Naiiyak na ako.
"Sim! Sim! Dito!", sigaw na tatay ko.
Nabuhayan ako ng loob. Bumilis ang tibok ng puso ko. Medyo hinabol ni Sim yung bus. Wow. Parang telenovela lang.
Sa wakas, nakasakay na kami ni Sim sa iisang bus. Nakaupo lang ako. Silang dalawa ng tatay ko eh nakatayo lang. Puno na kasi ang bus.
Second ride na. Lakad kami papuntang LRT.
"Bam, ang bag mo, wag mong ilagay sa likuran mo at baka nadukutan ka. Baka pag tingin mo wala nang laman ang bag mo."
Ilang beses iyang sinabi ng tatay kong maalalahanin simula pa noong mga isang linggo bago ang pasukan. Hanggang sa paglalakad namin sa kalye ng Maynila. Naiinis naman ako kasi mahirap maglakad ng may mabigat na bag na nakatapat sa harap ng binti mo. Sagabal!
Humiwalay na ang daddy ko noong nakarating na kami sa LRT. Para akong promdi na walang kaalam-alam kung magkano ang pamasahe sa LRT, kung ano ang sasakyan, kung saan bababa.
Eto na, nasa LRT na kami ni Sim. Ang hirap makipagsiksikan sa mga taong nagmamadali at nag-uunahang pumasok ng tren. Siksikan pa kaya naalala ko 'yong paboritong sabihin ng tatay ko sa akin: "Bam, ang bag mo, wag mong ilagay sa likuran mo at baka nadukutan ka. Baka pag tingin mo wala nang laman ang bag mo."
Kabado na natutuwa na kinikilig ako habang sinusuyod namin ni Sim ang daan mula United Nations Ave. hanggang sa makarating ng TUP.
Kabado.
Hindi ko kasi kilala lahat ng tao sa TUP. Siguro, may ilang kilala ako pero konti lang. Kabado rin dahil hindi ako "social butterfly". Hindi ako magaling makihalubilo sa mga taong hindi ko kilala. Hindi ako madaldal. Mahiyain ako.
Natutuwa.
Fine Arts kasi ang gustong gusto kong course ko pag college. Muntikan pang mag-Chemical Engineering ako sa kadahilanang gusto ng aking ama na ipagpatuloy ang negosyo nya. Isa pa, wala akong nakitang salitang "Mathematics" sa schedule ng klase ko.
Kinikilig.
Dahil nasa iisang unibersidad kami ng taong mahal ko. Sabay kakain ng lunch. Sabay kaming papasok ng TUP at uuwi. Sabay na maglalakad. Sabay na maghahabol ng bus. Basta. Magkasama kami sa lahat.
Madami akong naranasan sa unang linggo ko ng pasukan.
Noong second day ng pasukan, hindi ko kasabay si Sim na pumasok ng TUP dahil medyo tanghali pa pasok nya at ako naman, maaga pasok ko. Kinakabahan ako dahil ako lang mag-isang sasabak sa paglalakbay sa lugarna hindi ako pamilyar.
Nakasakay ako ng jeep. Diretso na daw iyon sa TUP, i mean, madadaan ng jeep ang TUP. Galing ang jeep dito lang sa amin. Kaya tipid sa pamasahe! Kaso nga lang, magka-problema ako.
Lumagpas ang jeep sa bababaan ko sana. Iba kasi ang dinaanan kaya lumagpas ako. Ginawa ko na lang eh lakarin pabalik. Sa hindi inaasahang pangyayari, hinabol ako ng isang baliw na naka-upo sa may gilid ng Manila City Hall. Tumakbo ako. Hindi naman sa nandidiri ako dahil nga sa pulubing baliw s'ya. Nadala lang ako ng takot, siguro. Ok na rin. Napabilis ang pagdating ko sa TUP.
Isa sa nahirapan ako sa "buhay bagong estudyante" ay ang makilala at maka-usap ang mga bagong kaklase. Buti na lang, halos lahat ng nakilala ko eh sila ang nag-approach sa akin. Una, dalawa lang nakilala ko sa room. Hahaha. Kawawa naman ako. Noong mga susunod na araw, dumami na sila.
Iisa lang naman kasi ang hilig ng halos lahat sa amin: ang pagguhit. Nakakatuwang isipin na lahat ng kasama mo sa isang classroom ay kaparehas mo ng gustong mangyari sa buhay. Lahat sila nakaka-relate sa mga bagay na meron at gusto mo.
Dahil katabi lang ng TUP ang SM Manila, lagi akong nandoon at lagi kong kasama si Sim. Minsan, doon kami kumakain ng lunch, pero hindi kami bumibili ng pagkain doon. May baon kami! Aircon lang habol namin. Sabi rin ng mga professor namin, lalo na 'yong prof. namin sa History of Arts, na dapat lagi kaming nasa mall. Hindi para gumastos ng sankatutak na pera kundi magmasid sa lahat ng nakikita namin doon dahil ANG LAHAT NG BAGAY AY MAY ART.
Homeworks? Research? Hindi 'yan nawala sa unang linggo ng pasok namin. Sangkaterbang research ang research na binigay agad sa amin. Unang patikim. Paano na kaya pag tumagal na ang klase? Kaliwa't kanan ang mga gagawin. Buhay college talaga.
Haaaaay. Goodluck na lang sa akin sa buong taon ng pasukan. Sana maka-graduate ako ng walang problema at maraming natututnan. :)