Magkausap kami habang ako'y nasa loob ng bahay at sya naman nasa loob pa ng gate. Screen door lang ang pagitan namin kaya nakapag-usap pa kami.
Maya-maya, lumabas na ako para hindi na kami mahirapan. Sumandal ako sa dingding. Nagsalita sya ulit. Nahihiya ako sa mga sinasabi nya. Pakiramdam ko, ang sama-sama ko sa kanya dahil sa mga nagawa ko sa kanya. Pero tinanggap ko 'yon dahil aminado naman ako.
Nagsimula nang mamuo ang luha sa ilalim ng mata nya. Niyakap ko sya.
Wag kang umiyak, Sim...
Feeling ko wala akong kwentang tao...
Wag mong sabihin yan. Importante ka sa akin. Mahal na mahal kita...
Tumulo na luha ako. Naramdaman ko ang bigat ng dinadala nya. Naaawa ako sa kanya. Ayaw ko na umiiyak sya. At first time ko syang nakitang umiyak. Kahit ganon, hindi ako na-turn off dahil umiyak sya. Tama lang yon. May emosyon naman din ang mga lalaki kaya may karapatan din silang umiyak. Hindi porket umiiyak ang isang lalaki eh bakla na.
NIyakap ko lang sya ng niyakap. Hinawakan ko din ang kamay nya para ma-comfort sya.
Kumuha ako ng upuan para naman makaupo kami. inakbayan ko sya. Sa mga oras na yon, gusto kong ipadama sa kanya how much I care. Balewala na sa akin ang mga dumadaang tao sa harap ng bahay namin at makita nila na umiiyak kami at yakap ko sya.
Mayamaya, dumating na si daddy. Nakita akong luhaan at si Sim naman, nakatakip ng bimpo yung mukha. Sabi ni daddy..
Oh anu yan? Bakit nag-iiyakan kayo? May maitutulong ba ako?
Wala po daddy. Ok lang po.
Hinihimas ko ang likod nya para gumaan ang pakiramdam nya.
Sana nandito ka na lang lagi sa bahay...para kasama din kita lagi.
Nung dumating na oras na uuwi na sya, parang ayaw ko pa. gusto ko nasa tabi ko lang sya. Pero pailangan n nyang umuwi dahil gabi na. Papagalitan sya kapag nahuli sya.
Siguradong ok ka lang? Nag-aalala ako sa'yo Sin eh.
Ok lang ako. Kaya yan. *hug* i love you..
I love you din...
Habang naglalakad sya palayo, nakatingin kami sa isa't isa..