Naisip ko noong mga nakaraang araw kung bakit talaga ako nasasabik sa pasukan. Gusto ko lang talaga malaman kung bakit...dahil ang lahat ng bagay ay may dahilan. Ugh. Baliw.
Ito na nga ang aking mga naisip kung bakit gusto ko nang pumasok:
- Una sa lahat, bagong school ang papasukan ko.
Take note! Unibersidad na papasukan ko. Hindi lang "school", as in university! Unang impression ko sa mga unibersidad ay: malaki at malawak. 'Yon lang. Nasabi din ng utak ko, "siguro, mga bigatin ang mga tao dun!". Naaalala ko noong unang tapak ko nung 1st year highschool ako. Naligaw ako sa buong campus. Hindi ko mahanap ang classroom ko nyun. Buti na lang kasama ko ang aking kababata. Na-late pa kami sa first subject namin. Good start? HINDI.
Sana lang talaga hindi ulit mangyari iyon pagpasok ko ng kolehiyo. Nakakahiya.
- Halos lahat ng gamit ko ay bago.
Oo. Halos lahat lang. Bakit? Akin na lang iyon. Hindi naman kami ganon kayaman para maging bago lahat ng gamit namin sa bawat pasukan. Kahit ganun, nae-excite pa din ako. Walang makakapagbago ng aking nararamdaman! Lalo na't gagamit na kami ng canvas sa painting, iba't ibang klase ng brush, T-square, oil pastel at totoong water color...yung pang painter/artists talaga! Astig! Mukha nga lang mamumulubi ako sa presyo. Pero ayos lang! Mabibilhan dina ko ng bagong bagpack. Wow! Dagdag collection! :)
- Astig ang uniform ng mga BFA students ng TUP.
Sabi nila ang uniform ng Fine Arts students sa TUP eh parang chef ng Chowking. Oo, medyo lang naman. Kulay maroon kasi. Pero naa-astigan ako! Parehas sila ng Architecture. Yahoooo! Gusto ko nang makasuot ng ganun!
- Higit sa lahat...makakasama ko siya sa school!
Schoolmates kami! At parehas pa kami ng uniform. Hahaha. Kinikilig ako. Sa ngayon, iniimagine ko na kasama ko siya pumunta ng school, kasabay ko din pauwi...haaaay. Tama na. Kinikilig na ang lola.
Ano kaya ang feeling na araw-araw eh gigising ka ng maaga, maghahanda papunta ng school, makikipagsiksikan sa mga tao at sasakay ng bus...at maglalakad sa Manila?
Para sa akin, kakaiba 'yon! First time kasi. College na ako...sa pasukan.
Sana nga lang hindi ako magsawa na gawin iyon aaw-araw...dahil kasabay ko naman siya..sana! Kilig ulit. Tama na.
Paano naman ang iniwan kong school noong highschool?
Balak kong dumalaw doon suot ang aking uniform...hindi para magmayabang. Para wala lang, trip lang namin ng bestfriend ko na mag-aaral sa La Salle..tapos kakain kami ng favorite naming kalamares na tinitinda sa tapat ng campus namin...at ang malamig na shake!
Tititigan namin ang buong campus, ang mga building, mga building na tinatayo pa lang, mga dating schoolmates namin na gumagala, mga teachers namin na ininis namin, at sina Manong Guard na nahirap pakiusapan pag gusto mong lumabas ng campus para lang magpa-photocopy ng lecture ng kaklase ko.
Haaaaay. Goodluck na lang sa akin sa darating na pasukan. Sana maka-adjust ako agad at makakuha ng mga kaibigan...'yon pa naman ang aking kahinaan - ang makihalubilo.
Isang buwan na lang, hello college life!