Sa linggong ito, tinahi ko ang mga butones ng uniform ko. Natatakot ako kasi baka matupol sila. Paano kasi noong nilabhan namin yung mga uniform ko, tumalsik yung isang butones. Kinabahan ako. Pagkatuyo ng damit, tinahi ko sya agad.
Kapatid: Ate, masyado ka namang excited.
Ako: Bakit naman?
Kapatid: paano kasi, tinatahi mo yung uniform mo.
Ako: Ano naman ang nakaka-excite dun?
Kapatid: gusto mo kasi perfect lahat sa pagpasok mo.
Naisip ko, hindi rin! kahit tahiin ko pa ulit lahat ng uniform ko eh hindi pa rin siguradong perfect ang pagpasok ko. Bakit?
- Maaaring maligaw ako sa papasukan ko
- Maiirita ako dahil maaga ang pasok at tayuan sa bus.
- Nakakakaba ang mga bagong kaklase at profs.
Ilang tulog na lang pasukan na. Hindi pa rin ako nakakabawi ng tulog. Panigurado tutubuan ako ng pimples at magmumukhang mangkukulam na ako dahil sa araw-araw na puyat. Tama na. Ang OA.
Ngayon pa lang nakalagay na lahat ng gamit ko sa bag ko at plantsado na ang mga uniform kong apat na pares.