last.final.end.

Sa wakas. Matatapos na rin ang huling taon ko sa highschool. Last grading na. Ibig sabihin nyon, darating na rin ang last examination sa highschool, last grading para maka-bonding mo ang iyong mga klasmeyts, last na pagkakataon para magpaka-tino (para sa akin 'yan) at maaring last na panahon para makita mo ang ilan sa mga kaklase mo ngayon. Hindi ka naman sigurado kung magkakasama pa kayo, magkikita, o di kaya maging schoolmate mo ang ilan sa kanila.

Minsan, tinanong ako ng kapatid ko, "iiyak ka ba ate pag nag-graduation na kayo?". Nasagot ko lang eh "ewan. malay ko." Sa lahat lahat ng pinagdaan ko sa imus national highschool, kahit na transferee ako nung 3rd year, ay naging masaya naman ako. First time ko nun pumasok sa isang public school. Ibang-iba sa private school, malaki ang pagkakaiba. Kahit ganun, kahit nahirapan akong mag-adjust, nakaya ko naman kahit papano.

Ito na nga. Huling grading na sa 4th year, natanggap ko na rin ang result ko sa NCAE. Haaay, PASADO naman ako. Whooh. Artistic at social interest daw na course ang babagay sa akin. Bagay naman na ikinatuwa ko dahil fine arts ang kukunin ko.

Goodluck na lang sa akin, sa aming magka-kaklase. Sana, lahat kami aakyat ng stage at bababa nang may diploma.

up