Pasko, Paskiw, Pakso, Paksiw!

Sabi nila isa ang Pinas sa may pinaka-masaya, pinaka-maingay, pinaka-maganda at pinaka-makulay na Pasko sa buong mundo. Napatunayan ko na rin iyon sa aking sarila. Pinaka-masaya dahil kaliwa't kanan ang Christmas Party, laging meh regalo, lalo na't maraming PAGKAIN. Christmas na yata ang holiday na may pinaka-maraming activities.

1. Caroling
Pagdating ng first week ng December, nagsisismula na ang mga bata, isali na rin natin yung mga matatanda, sa pangangaroling. Samu't saring Christmas songs ang kinakanta nila. Minsan mali-mali pa ang lyrics.
Sa may bahay ang aming bati
Merry Christmas na wawalhati.
Ang pag-ibig na syang nag-hari.
Araw-araw ang magiging Pasko lagi.
Ang sanghipo na pagpalito.
Hihingi po ng aguinaldo ... lalala

Hindi sa pagpapatawa, pero ganun talaga ang lyrics ng mga bata. Naririnig ko na yan simula pa nung bata ako. Aaminin ko, ganun din ako. Malay ko ba.
Mag-iipon ng tansan ng beer, coke at pop, mag-hahanap ng alambre pati ng martilyo at pako pambutas.. Ifa-flat ang mga tansan at bubutasan ang mga ito at isusuot ang mga butas sa alambre..At, Viola! May tambourine ka na. 'Yan din ang gawain naming magkakapatid nung maliliit pa kami. Di baleng amoy beer yun, ayos lang!. Sinasamahan na rin namin ng kutsara at tinidor pangsuporta sa tambourine. Ayos! Pwede na.
Dati nung bata pa kami, paramihan kami ng baryang ma-iipon. Malas mo na lang kung halos natanggap mo eh candy at sagot na "patawad".

2. Exchange gift
Hindi yan mawawala sa lahat ng Christmas party pati na rin sa loob ng bahay. Mug, alarm clock at picture frame ang kadalasang regalo sa'yo. Pag nakatanggap ka nito, hindi mo talagang maiiwasang mainis. Minsan, nakakasawa na rin. Sa dami-daming picture frame ang natatanggap mo, hindi mo na alam kung ano ang ilalagay dito. Pwede mo na ring gawing photo album. May isa pa daw. Sabi no Koki, "panyo ang universal gift". Oo nga naman. Isa ako sa nakatanggap ng sangkatutak na panyo ngayong Pasko. Kahit ganun, kailangang maging thankful ka na rin.
Sa mga may mga labidubs, stuff toys, bracelet, kwintas, at pabango ang matatanggap mo. Minsan t-shirt na galing Bench o Penshoppe, basta yung mga signatured na damit. Wow. Pero hindi naman yun madadaan sa halaga ng pera na ginastos mo para sa gift mo sa mahal mo kundi sa value nito pagdating sa kung gaano mo ito binigay - kung galing ba sa puso mo. Haha. Ang drama.

3. Kris Kringle
Eto yung may mga "something sweet", "something yucky", "something soft", "something hard", basta lahat ng may something. Ngayong taon, nag-ganito kami sa school. Sa subject lang na TLE. Something healthy daw. Birch Tree na lang ang nirelago ko. Mas mura kasi. Hahaha.
Ok. Wala na akong maisip na sasabihin sa activity na ito. Basta masaya siya. Para sa akin, hindi naman siya ganun ka saya. :\

4. Noche Buena
Ayan ang hindi namin ginagawa simula nung bata pa ako. Hindi ko alam kung bakit hindi kami nag-hahanda pag Pasko. Huli ko na nang nalaman na yung ibang tao ay nag-hahanda pala pag Pasko. Tuwing New Year na lang kami nag-hahanda ng bongga. Double celebration kumbaga. Ayos. Sa New Year na lang kami kumakain ng spaghetti, salad, cake at ham. Grabe, sangkatutak na pagkain kami pag New Year. Halos aabot ng 5 araw sa ref ang mga hinanda namin. Instant breakfast, lunch at dinner na!
Noong bisperas ng Pasko, 10:00 na kami naghanda. Mukha nang napilitan ang nanay ko dahil may darating na bisita. Dati kasi, kami ang nangbi-bwisita, este nagbi-bisita. Lagi kaming wala sa bahay tuwing Pasko nung mga nakaraan. Ngayon lang talaga. Peksman!

5. Simbang Gabi
Sabi nila pag nakumpleto mo ang lahat ng simbang gabi eh natutupad ang wish mo. Naniwala naman si Boy at Nene. Napilitang mag-simba. Pero, "TA-DA"! Pagdating sa simbahan, nakikipag-chikahan sa mga friends, barkada o di kaya naghahanap ng mga gwapo at magaganda. Yung mga walang pakialam, tulog na lang. Nakakatuwa mang pakinggan pero nalalakungkot isipin. Dahil nagsisimba sila hindi dahil sa willing silang mag-simba kundi dahil sa ibang business. Maganda pag tama ang dahilan ng kanilang pag-sisimba dahil tiyak na matutupad wish nila. Nag-simba ka nga, napilitan o dahil makikita mo sila barkada at hindi mo man lang naisip yung dahil ng pagpunta mo, talagang di matutupad wish mo. Hindi ko naman sinasabi na lahat ng tao eh ganun. Observation ko lang iyon sa mga taong nakikita at sa mga naririnig ko. Chismosa? Hahaha. Maya-maya, may maririnig ako.

"Oi! Nakita mo ba si ganito? Ang gwapo nya talaga".. sabay tawa *hahaha*

Naririnig ko sa ang mga klasmeyt bago magbakasyon na 3:00am daw sila gigising tapos naka-suot na sila ng uniporme para diretso na ng school. Wow. Ang aga. Di ko keri 'yon. Hindi ako maka-relate sa kanila dahil hindi naman ako Katoliko. Bilib nga ako sa kanila eh kasi kaya nilang gumising ng ganun ka-aga.


'Yan lang ang mga naiisip ko na ginagawa pag Pasko. Alam kong marami pa kaso nakakatamad na talagang i-type..lalong-lalo nakakatamad isipin kung anu-ano pa ang mga iyon. Masakit sa ulo. Joke.


up