Sumakay ako ng pedicab papunta sa school - isang simpleng gawain ng ng isang ordinaryong estudyante.
Nang makarating na ako sa eskwelahan, agad kong hinanap ang mga dati kong kaklase para may kakwentuhan. Nagsimula na ang flag ceremony.. Pumila na kami sa kanya-kanyang section, kaso ang section namin walang matinong pila kaya dun kami nakipila sa mga dati naming kaklase dahil halos lahat sa dating kong klasmeyt nalipat sa iisang section. Hahahah. ang gulo nuh??
Pagkatapos ng flag ceremony, nagpaalam muna ako sa bestpren ko, nagkahiwalay kasi kami ng section. Pumunta na kami sa classroom namin. Sobrang tahimik namin kaya bored na bored ako . Namiss ko tuloy yung kaingayan ng dati kong klasmeyts dati. Himala! Walang nangyaring pagpapakilala ng sarili. Siguro bukas pa gagawin yun.
Sinulat namin yung schedule namin na binigay ng adviser namin. Pinag-usapan din namin yung rules & regulations ng eskwelahan namin. Grabe! Na-assign pa ako bilang leader ng grupo namin. As usual, group 1 ako kasi nasa harap ako nakaupo.
Nag-break na kami. Syempre, punta ng canteen. tssss. pagbalik namin ng room, halos wala lahat ng classmates ko. Ang tahimik ng room. Mukhang may kanya-kanyang munda ang bawat sa amin. Inis na inis talaga ako ng mga oras na yun.
Upo. Labas ng room. Punta sa room ng 4-D. Lakad. Akyat ng hagdan... ayan ang halos ginawa lang namin ng mga kasama ko. argggh!! ang panget talaga ng araw na yun.
Nung uwian na, pinuntahan ko yung bestpren ko, si Marvin, para sabay kaming umuwi. Bago umuwi, bumili kami ng siomai! Grabe! Nag-mahal ang siomai. Dati dalawang piso lang tapos ngayon, 2.50 pesos na!!! whoah! Ok lang yun, namiss ko yung lasa ng siomai nila ate tindera eh. hahaha.
tapos uwi na kami.
Argrrrh! ang panget nuh?? :D