Pahingi ng Papel

Sa isang classroom, may iba't ibang klase ng mga estudyante. May mayaman, ok lang at mahirap (excuse me. ayan talaga ang right term eh). Hindi maiiwasang may ganun talaga.

Ang mga
mayayaman may mechanical pencil, correction tape (yung tuyo na pinapahid aah!), isang set ng iba't ibang klase ng papel (1/4, 1/2 crosswise & lenghtwise at 1 whole), notebook na tigte-thirty pesos (lalo na yung Cattleya), sosyaling bag at kung anik-anik pa.

Si
ok lang, ok lang din ang mga gamit. Di gaanong mahal at gaanong ka-cheap. Ok nga lang! Medyo mababa nga lang sa mayayaman.

Yung
poor may mga gamit din noh! Kaso di ganun ka sosyal tulad ng mga mayayaman. Malamang di ganun ka afford! (ouch naman! hahaha)

Isang araw sa room ng 4-C..

Isang pangkaraniwang araw lang naman. Walang espesyal, walang bagyo, walang kakaiba at higit sa lahat nakakatamad. Masaya ang lahat pag walang teacher! Sino ba naman ang matutuwa pag walang teacher di ba? Akyat-baba, punta canteen, gawa ng hinahabol na assignment na ipapasa na sa next subject, tulala, soundtrip (gitara, radyo, iPod, cellphone..), paypay (dahil sira ang elektrik fan), tambay sa corridor at umiidlip. Ayan ang mga madalas na eksena sa loob ng classroom pag walang teacher! Kahit ganun, masaya!

*may papasok na isang kumpol ng kaklase mula sa pintuan*

Student1: *nakaupo* nandyan na ba si ma'am??
Student2: *papasok* Oo!
Student3: *katabi ni Student 1* Aw! Anu ba yan! Badtrip!

Naririnig ko yan! Minsan diyalogo ko rin ang mga yan. hahaha!

Papasok na si teacher.

Teacher: Good morning class.
4-C: Gooooooooooood morning Mrs ****!
Teacher: Again.
4-C: Gooooooooood morning Mrs. ****!
Teacher: Hindi ba pwedeng iklian yan! *titingin sa isang sulok..may naka-upo!* O ikaw! mabigat ba yang dinadala mo??
4-C: Good morning Mrs. ****!
Teacher: Kaya naman pala eh! sit down.

Magtuturo na si teacher.

Sulat ng lecture, soundtrip (pa rin), tutungo-tungo (sa antok), nagdo-drawing sa likod ng notebook (F.L.A.M.E.S pa kamo!), nagpu-pulbos at nagpa-pabango at nananalamin. Ayan ang mga nakikita ko sa tuwing lumilingon ako sa likod. Halatang BORED ang mga klasmeyts ko!

Biglang nabuhayan nang.....





Teacher: Okay class, close your notebooks and get 1/4 sheet of paper.

Vanezza: Tssss. ayan na naman si ma'am! quiz na naman after discussion! *bubulong sa katabi* kainis!
Seatmate1: Oo nga.
Vanezza: Patingin nga ng notes mo. Review lng ako konti. *sabay kuha ng papel sa bag*
Seatmate2: Pahingi naman ako.
Vanezza: Sige sige.

Ayan! nagsimula na ang quiz.

Medyo naiinis ako pag ganun. Kaso pinipigilan ko lang. Hindi naman sa nagpapaka-plastik ako, ayaw ko lang magdamot. Kaso d naman mawawala yung feeling na pagkainis pag ganun di ba. Kasi binibili din yun eh. Mahirap na buhay ngayon! Pati kendi sa canteen piso isa na. Ayus! Anu yun, GINTO!?

Kaya, it's good to be generous! naks!




Ilang beses nang nagyayari sa akin ang mahingian ng papel. Halos araw-araw nga eh. Pero di naman kami mayaman dahil namimigay ako ng papel??! Sadyang mabait lang talaga ako kaya ako namimigay. Nyahahahaha!.





Wala pang kalahating buwan, nasa kalahati na lang ang kapal ng pad paper ko.


up