skip to main
skip to sidebar
Pagkatapak ng anino ko sa school, nakita kong sinasara na ng guard and second gate sa loob ng school. Ang ibig sabihin nito ay, LATE NA AKO! Kahapon lang ito nangyari. Lunes na Lunes ay late ako at hindi pa ako nakaattend ng flag ceremony. Buti na lang hindi kinukuha ang attendance dun di gaya ng dati.Pagkarating sa tapat ng building kung saan ang room namin, umakyat ako nang hindi nalalaman ng mga guard. Kung nahuli akong umakyat, patay, lagot ako at mapapahiya pa ako sa mga kapwa ko late. Sa kabutihang palad, hindi ako nahuli. Phew.
Nakarating na ako sa room. Binaba ko ang bag ko sabay kuha ng pamaypay sa bag. Umupo ako ng tahimik. Nang pumasok sa utak na na claners kami, dinampot ko ang walis at nagsimulang mag-walis...nang mag-isa.
Syempre, nandoon yung iba kong mga kaklase na late din.
Nagwawalis ako sa may harap. Nagsalita si Camille!
"Astilla, ang ganda mo pala!"
Waaaaaah! Nagulat ako sa sinabi nya. Sabi ko..
"Nyaaaaaaah! D nga! Wala akong piso. Tama ka na dyan kakapuri. haha"
Grabe! Hindi ko inaasahan yung mga salitang iyon. Maya-maya, nagwawalis na ako sa may bandang likod ng room namin. Nakita kong tumitingin si Camille sa akin! Tapos nagsilita na naman sya..
Camille: Astilla, ang ganda mo talaga
Ako: Naku! Ayan ka na naman. Bakit mo naman nasabi yan. Teka *dudukot sa bulsa* may piso pala ako dito!
Camille: Hindi..Hindi.. Maganda ka nga talaga. Alam mo, bihira lang ako magandahan sa isang babae.
Ako: Aw ganun?
Camille: Oo! Saka dati ko pa yun napansin sa'yo.
Hahaha! Ang kapal!
Dahil wala na akong masabi, nag-thank you na lang ako sa kanya at patuloy na lang sa pagwawalis.
Pagkatapos kong magwalis, nagkwentuhan kami ng kung ano-anu. Habang nagke-kwentuhan, may isa na naman akong hindi inaasahang nalaman!
Blah blah blah...
Camille: Sa TUP nag-aaral ang kuya ko.
Ako: Ows? D nga? Anong course?
Camille: Architecture!
Ako: Waah! Di nga? Sigurado ka?
Camille: Bakit gulat na gulat ka?
Ako: wala lang.
Alam mo kung bakit ako gulat na gulat? Kasi ganito yun... Doon nag-aaral si Sim. haha!
kaya ayun. Naisip ko na baka magkaklase si Sim at ang kuya ni Camille.
Maya-maya..
dung-dung-dung-duuuuuunngggg!
Eeeengggggkkkkk!....
May pumasok na guard!
Manong Guard: Baba kayong lahat!
Kami: waaaaaaah. bakit?
Manong Guard: Basta bumaba kayo.
Amante: *para sa akin* Sabi ko sa'yo Astilla na wag mong buksan yung pinto eh dahil makikita tayo ng mga nasa baba.
Ako: Eh pano ko ilalabas yung mga winalis ko?
Bumaba na kami! Nagtipon-tipon ang lahat ng 4-C. Doon kami sa may tapat ng building namin.
Camille: Ganito. Plan A. Pag nakita na nating papasok ang mga classmates natin, sabay na tayo para hindi na tayo magpasa ng papel.
Note!
Para saan ang papel? Doon namin isusulat ang pangalan at section namin dahil kami ay late! Recorded yon - BAD record.
Back to the story..
Arrghhhhh! Pumapasok na yung mga classmates namin sa building! Hindi kami maka-sabay sa kanila dahil may nakaharang na guard!. PLAN A, FAiLED!.
Ok. Plan B. Sikretong papasok sa building. Pag nagkagulo na, hindi na mapapansin ng guard ang mga late. Hindi naman siguro natandaan ni Manong Guard ang mga mukha namin ee.
Dahan-dahan...
Ganyan kami kumilos papunta sa tapat ng gate ng building namin. Whooooh! Medyo delayed ang pagpasok naming mga late, pero ako sumiksik ako at sumabay kay Matro para hindi halata! SUCCESS! Nakapasok ako.
Buti na lang.
Lahat kami nakalusot!
Whoohooooh! Pagdating sa room, sigawan kaming mga late! hahaha. Tawa ako ng tawa.
And we lived happily ever after. The End.
Last thursday (June 25, 2009), my parents decided to go to Leyte for some special reasons. They'll be attending wedding of a relative (i don't know who's that) and they'll be staying there for one week. My sister, tita & I will be one to take care of our home (of course).
At first, I thought that it was very hard for me! No one will cook my food before going to school, wake me up in the morning & wash my clothes. It doesn't mean that I don't know any household chores, maybe I'm just not sanay that my mom is not here.
I've learned their value while they are not here.
My first day without a parents goes like this...
Wednesday afternoon my mum and pup was about to leave our home but I didn't feel sadness.
The next day, I woke up early in the morning. I found myself cooking my food and preparing myself without any help from my loving mum..
After school classes, I went home. I was the only one in our house. My two sisters were in their own classes & my tita was teaching in their school. I felt so lonely because I don't have any companion. I texted my mom. While texting, I was a little bit crying. Maybe I miss them that fast & that much.
They send us text messages about the things happening there [Leyte].
The other day (Saturday), we wash our own clothes and iron our dresses for Sunday. Phew! That was hard. My sister got a scratches in her hand because of scrubing her clothes. Hahaha!
Sunday came.. Only the four of us came to church. It was so sad to go to church without my parents or when we are not complete..
I miss them!
For me, it's a great expreience. We've learned so much this & most of all we've learned how to be indapendent and stand on our own feet.
Sa isang classroom, may iba't ibang klase ng mga estudyante. May mayaman, ok lang at mahirap (excuse me. ayan talaga ang right term eh). Hindi maiiwasang may ganun talaga.
Ang mga mayayaman may mechanical pencil, correction tape (yung tuyo na pinapahid aah!), isang set ng iba't ibang klase ng papel (1/4, 1/2 crosswise & lenghtwise at 1 whole), notebook na tigte-thirty pesos (lalo na yung Cattleya), sosyaling bag at kung anik-anik pa.
Si ok lang, ok lang din ang mga gamit. Di gaanong mahal at gaanong ka-cheap. Ok nga lang! Medyo mababa nga lang sa mayayaman.
Yung poor may mga gamit din noh! Kaso di ganun ka sosyal tulad ng mga mayayaman. Malamang di ganun ka afford! (ouch naman! hahaha)
Isang araw sa room ng 4-C..
Isang pangkaraniwang araw lang naman. Walang espesyal, walang bagyo, walang kakaiba at higit sa lahat nakakatamad. Masaya ang lahat pag walang teacher! Sino ba naman ang matutuwa pag walang teacher di ba? Akyat-baba, punta canteen, gawa ng hinahabol na assignment na ipapasa na sa next subject, tulala, soundtrip (gitara, radyo, iPod, cellphone..), paypay (dahil sira ang elektrik fan), tambay sa corridor at umiidlip. Ayan ang mga madalas na eksena sa loob ng classroom pag walang teacher! Kahit ganun, masaya!
*may papasok na isang kumpol ng kaklase mula sa pintuan*
Student1: *nakaupo* nandyan na ba si ma'am??
Student2: *papasok* Oo!
Student3: *katabi ni Student 1* Aw! Anu ba yan! Badtrip!
Naririnig ko yan! Minsan diyalogo ko rin ang mga yan. hahaha!
Papasok na si teacher.
Teacher: Good morning class.
4-C: Gooooooooooood morning Mrs ****!
Teacher: Again.
4-C: Gooooooooood morning Mrs. ****!
Teacher: Hindi ba pwedeng iklian yan! *titingin sa isang sulok..may naka-upo!* O ikaw! mabigat ba yang dinadala mo??
4-C: Good morning Mrs. ****!
Teacher: Kaya naman pala eh! sit down.
Magtuturo na si teacher.
Sulat ng lecture, soundtrip (pa rin), tutungo-tungo (sa antok), nagdo-drawing sa likod ng notebook (F.L.A.M.E.S pa kamo!), nagpu-pulbos at nagpa-pabango at nananalamin. Ayan ang mga nakikita ko sa tuwing lumilingon ako sa likod. Halatang BORED ang mga klasmeyts ko!
Biglang nabuhayan nang.....
Teacher: Okay class, close your notebooks and get 1/4 sheet of paper.
Vanezza: Tssss. ayan na naman si ma'am! quiz na naman after discussion! *bubulong sa katabi* kainis!
Seatmate1: Oo nga.
Vanezza: Patingin nga ng notes mo. Review lng ako konti. *sabay kuha ng papel sa bag*
Seatmate2: Pahingi naman ako.
Vanezza: Sige sige.
Ayan! nagsimula na ang quiz.
Medyo naiinis ako pag ganun. Kaso pinipigilan ko lang. Hindi naman sa nagpapaka-plastik ako, ayaw ko lang magdamot. Kaso d naman mawawala yung feeling na pagkainis pag ganun di ba. Kasi binibili din yun eh. Mahirap na buhay ngayon! Pati kendi sa canteen piso isa na. Ayus! Anu yun, GINTO!?
Kaya, it's good to be generous! naks!
Ilang beses nang nagyayari sa akin ang mahingian ng papel. Halos araw-araw nga eh. Pero di naman kami mayaman dahil namimigay ako ng papel??! Sadyang mabait lang talaga ako kaya ako namimigay. Nyahahahaha!.
Wala pang kalahating buwan, nasa kalahati na lang ang kapal ng pad paper ko.
↑
up