sulat para sa blog.


mahal kong blogger,

kamusta ka na? Ilang linggo rin kitang hindi nakita! hindi ko na rin ma-retoke ang itsura mo. kahit ganun man, maganda ka pa rin sa akin. malapit na pala pasukan namin. baka hindi kita lalong makita at masabihan ng mga masasaya at malulungkot na pangyayari sa buhay ko. wag lang mag-alala, mukha namang mag-eenjoy ako sa pasukan dahil college na ako! at ang course ko pa eh gustong gusto ko.
maraming bagay na akog hindi nasabi sa iyo. sa linggong ito, sobrang saya ko. pumunta sya dito sa bahay nung lunes tapos pumunta din ako sa bahay nila. kumbaga, puntahan lang kami. sino sya? alam mo na yun. hahaha.
nagcommunity service pala kami nung sabado [may 15, 2010]. nagtanggal kami ng mga bwisit na campaign posters na yan na sobrang hirap tanggalin dahil glue ang ginamit na pandikit. sana nag-tarpaulin na lang sila. hahaha


sobrang inatake ako ng kasipagan nyun, matagal na nabilad sa araw at naka-inom ng 5 bote ng coke. ayos! wala kaming dalang tubig eh. kahit bata, tumulong sa pagtanggal ng posters. nakakataba ng puso. puro cholesterol na.

hanggang dito na lang. pasensya ulet!

-ako.

up