enrolled na si bambam.


Sa wakas, pagkatapos ng dalawang araw na pagsugod sa TUP, natapos na din ang nakapa-habang proseso sa pag-eenroll. Sa totoo lang, hindi naman sya ganun ka haba. Humaba at tumagal lang dahil sa milya milyang pila. OA? Oo. T_T

Kanina, bumalik kami ng aking mommy sa TUP para magpa-picture para sa ID, kumuha ng library card at para magbayad ng tuition fee.

Sobrang init kanina. Walang hangin. Pakiramdam ko niluluto ako ng buhay. Parang gusto ko nang lumapit dun sa sprinkler ng damo at magpakabasa. Nakakainis.

Nakita ko ulit ang aking naging kaibigan kahapon. Si Julius Christian. Ganda ng pangalan nuh? Kaso vaklushi sya. Sayang nga eh. Ang gandang lalaki pa naman. Hahaha.

Schedule ko? Ayun, may pasok ako ng linggo. Umaga pa, kaya hindi ako makakapagsimba. Nakakalungkot naman.


'Yan ang registration form ko. Proud ako. Isa sa ikinatutuwa ko sa schedule at sa subjects ko eh WALANG MATH! Yeaaaaaaaaah!

Hanggang dito na lang. Lalo akong na-eexcite eh. :D



Excited na ako sa pasukan. Pramis.

up