Plants vz. Zombies


Basahin mo ito kung nakaka-relate ka sa laro na ito. Kung hindi naman, pwede mo pa ring basahin.



Grabeng kaadikan na talaga ang narating ko sa paglalaro ng Plants vs. Zombies.

Ano nga ba ang laro nito. Title pa lang, alam mo na. Halaman kalaban ang mga zombies! Coooool! Ang ganda ng graphics - pambata! Ito nga pala ang screenshot ng home ko sa PVZ.



Medyo nakakahiya, silver pa lang ang ang trophy kahit na super ako sa paglalaro. Paano kasi sa Mini Games hindi ko pa matapos-tapos ang nakakainis na Bobsled Bonanza at Zombotany2 na yan. Mahirap.

Isa pa sa Survival, 4 out of 10 trophies pa lang ang nakukuha ko. Ayaw ko naman gumamit ng cheat. Gusto ko, pinaghihirapan ko. Haha. Determinado.

Kamusta naman ang mga mga halaman ko sa Zen Garden. Ayun, konti pa rin. Sa halos 3 months na paglalaro ko ng PVZ eh ganito pa lang kadami (oo, kadami) ang aking mga pinakamamahal na halaman na pinagkukunan ko ng mga barya. Oo, kumikita ako sa mga halaman ko. May 10, 50 at diamond na 1k ang halata. Wow.

Ayun. Ipapakita ko ang aking Zen Garden..sa ngayon..



Nakakahiya ulit. Pero darating ang araw na dadami ito! Haha.

Zombies. Ayan ang kalaban ng mga halaman ko. Iba't ibang klase sila. Eto sila.




Ang pogi nilang lahat mo. Nakakakilabot.

"BRAAAAAAIIINZZ!".. 'Yan ang lagi nilang sinisigaw pag sinusugod nila ang lawn ko. Grabe! Ang cute ng boses nila. Braaaaiins!

Night mode.

Yan ang level na pinaka-ayaw ko dahil may hamog o fog! Hindi ko makita kung saan na ang zombie. At isa pa, dahil walang sun! Ibig sabihin nyun, mahirap akong makakakuha ng sunlight para makagamit ako ng mga plants ko. Malamang, gabi...walang araw. Sa pinakamamahal na Sunflower lang ako makakakuha ng araw..pati na rin ng Sun-shroom.


Hindi ko maiiwasan ang mainis sa mga halaman ko. Lalo na kung soooooobrang bagal nilang mag-recharge. Gaya ng Potato Mine, Squash, Wall-nut, Tall-nut at ang Tangle Kelp. Kung kailangang kailangan ko na sila, hindi ko magamit dahil nga matagal mag-recharge. Ang kulit.

Eto sila...
Potato Mine

Squash

Wall nut
Tall-nut

Tangle kelp

Pag walang internet, ito ang nilalaro ko.
Pag walang magawa, ito ang nilalato ko.
Pag wala nang magawa sa facebook, ito ang nilalaro ko.
In short, past-time ko ito...addiction na rin..?

Masaya ako pag nananalo ako kasi hindi nakain ng zombies ang utak ko.
Nakakainis naman pag napasok ng zombies ang bahay ko..sabay may sisigaw na, "Noooooooooooooo!!!!!!!"


Hayaan nyo akong ipakilala sa inyo ang aking kapitbahay, source ng kung anik-anik, taga-payo at cheerer na din, si Crazy Dave. Ayan siya.


Kitams. Mukha at pangalan pa lang, halata nang baliw. Hahaha.
Basta-basta na lang s'yang sumusulpot. Magsasalita. At sisigaw. Baliw nga.
Kahit papano, magaling yan magbigay ng tip.

Pagkatapos mong makasagupa ang mga zombies sa loob ng 5 levels na may 10 sub-levels, may music video na gagawin ang aking mga halaman at ang mga zombies. Oo, music video. Astig!



Hahaha. eto pa. May trailer pa pala ang Plants vs. Zombies. Nakita ko lang ito habang naghahanap ng music video nila.



Bungee Zombies. Yan ang pangalawa sa pinaka-ayaw kong kalaban ng aking mga halaman. Bakit? Pagkatapos mong pag-ipunan ng maraming Sun ang halaman mo, saka nila nanakawin ang halaman mo. As in, lilitaw sila galing sa taas tapos dedekwatin na ang halaman. Nakakainis. Sobra.


Minsan, nakikita ko ang kapatid ko na naglalaro ng PVZ na gumagamit ng cheat. PArang ang saya. Tanim ka lang ng tanim. D mo na kailangang mag-ipon ng Sun. Naisip ko, mas masaya pag pinaghirapan mo. Naks!


Screenshots ng mga laro ko. A



Hanggang dito na lang. Maglalaro pa ako. :D

up