Happy Valentines!

Kahapon, araw ng mga puso, nagmamahalan, inlove, kinikilig at nagmamahal. Pero hindi lang ganon. Paano naman ang mga single?

Para sa akin, ito ang pinaka-ayaw ko na araw pag member ako ng SMP (Samahan ng Malalamig ang Pebrero) pero pinaka-gusto ko kung ako naman ay...alam mo na.

Paggising ko, madaming "Happy Valentines Day", "Happy Hearts day!" & "Happy V-day" akong nabasa sa inbox ng cellphone ko. Lahat nagse-celebrate kahit na wala silang lover. Basta may pagmamahal sa'yo, pasok ka na sa Valentines!

Naglalakad na ako papasok sa pinakamamahal kong unibersidad, ang TUP-Manila. Kaliwa't kanan ang nadadaanan kong mga nagtitinda ng mga Roses at maging mga lobong hugit puso at mumurahing teddy bear. Swak na swak na pang regalo sa minamahal. Ok lang kahit hindi mahal ang presyo. Ang mahalaga, mahal mo sya. Korni.

Napapangiti na lang ako sa mga nakikita ko. Kung yung mga panregalo eh kaliwa't kanan na nakikita ko, paano pa kaya ang mga lovers na dumadaan daan sa paligid? Whooh! Nakakainggit ah. May holding hands, akbayan, bitbit bag ni girl, tawanan at sweet gestures. Nako. 'Yan ang nakaka-miss eh.

Pagdating ko sa building ng college namin, nakita ko yung iba sa mga kaklase ko na maagang dumating na naghahanda para haranahin yung isa naming classmate. Iniwan ni boy yun bouquet ng flowers sa faculty ng Fine Arts para fresh pa rin. Aircon kasi.

Ayon, nag-klase na kami. Filipino. Dalawang oras. Siguro sa mga oras na iyon, atat na atat na yung classmate kong lalaki na haranahin yung classmate kong girl.

Ayan na. bumalik na kami sa building ng college namin. Sinumulan na ang panliligaw. Hiyawan ang mga kaklase ko pati na rin ang mga 2nd year Fine Arts na halos malapit lang sa amin. Kuhaan ng picture dito...doon. Hiyang hiya naman si girl kong classmate.

Pagsilip ko sa 2md hanggang 4th floor, ang daming nakadungaw na nakiki-usi sa mga nangyayari. Parang nagka-instant show sa mga oras na iyon. Yung mga nagkklase pa, lumabas para tignan ang nagliligawan.

Sige. Nuod lang kami sa paghaharana ni lalaki kay babae habang hawak ang bulaklak na binigay. Kinikilig ako. Iniimagine ko na sana ako din.


Ahaaaaay! Pag-ibig nga naman. Kung pumasok sa puso nino man, hahamakin ang lahat...blah blah.

Kamusta naman yung akin? Eto, masaya naman ang Balentayns ko.

Pumunta ako sa bahay nila. Dala ko yung Bday card ko para kay Sim kasi naiwan nya sa akin nung Sabado. Noong Feb. 12 kasi yung birthday nya.
Eh ako naman, atat na mabasa nya ang card na ginawa ko. Yun bang card na malaki na nabibili sa National BookStore.

Kinakabahan ako habang naglalakad papunta sa kanila. Doon ako sa likod ng bahay nila dumaan. Nahihiya kasi ako sa mga kapiybahay nila. Dala ko yung malaking birthday card.
"Tao po!" sabay katok ng madami ng gate.

Si Kuya Orvin ang bumukas ng gate. Bagong gising. Nagising ko ata!

"Nako. Nagising ko po ba kayo? Nakakahiya naman po. Nandyan po ba si Sim?"
"Ahh. Sige. Wait lang" ..parang lasing pa magsalita. Bagong gising eh.

Maya-maya...

"Ay tulog pa sya. Gisingin ko?
"Kayo po bahala. Nakakhiya naman." Pero deep inside, gusto ko talagang gisingin sya. Hahaha!

Ayan na. Lumabas na si Sim. Mukhang bangag pa. Pero kinausap ko sya ng seryoso. Ayon, tungkol sa aming dalawa.
Magkausap kami habang sya naka-dungaw sa gate, ako naman sa labas ng gate.

"Nangangalay na ako." demanding ng sabi ko.
"Pasok tayo."

Ayon. Upo ako sa upuan nila. Medyo nahihiya pa ako nun kasi nga, nagising ko sila. Mukhang ang sarap pa ng tulog nya pati ng kuya nya. Pero ok lang.

Bonding ulit kami. As bestfriends syempre. Pero nakakamiss din ang dati pero kailangan talaga.

Lalo ko syang minamahal sa mga ginagawa nya para sa sarili nya...pati na rin sa future naming dalawa. Matinding paghahanda at pagbabago ang ginagawa nya.

Para sa akin, ang nakikita kong pagbabago nya ay isa nang napaka-gandang regalo nya sa akin ngayong Araw ng mga Puso. :)

up