I'm a Jealous Girl :|

Selos...
-sign daw na wala kang tiwala sa mahal mo.
-ibig sabihin nyan, mahal na mahal mo lang talaga yung tao kaya nararamdaman mo yan pag may kasama syang iba o sweet sya sa iba...lalo na sa opposite sex.

Dyan sa dalawang "meaning" ng "selos" eh nalilito na ako. Pero sa akin? Yung pangalawa ang ibig sabihin para sa akin. Pero sa taong kinakaselosan ko, yung una. Kaya pag nagseselos ako, alam ko na sunod na ang away, tampuhan o walang pansinan. Hindi talaga magkakaintindihan kung kayong dalawa iba ang ibig sabihin ng selos sa isa't isa.

Jealousy doesn't mean you don't trust the person you love. It's just a feeling when you want to be that somebody who he/she is sweet with.

Bakit pa kasi naimbento yan. Parang panira ng relasyon.

Hindi. Hindi yan panira ng relasyon. Minsan pa nga eh (oo, MINSAN) pinapalakas pa nito ang feelings mo para sa taong un at ito ang patunay kung mahal mo talaga sya.

Magtaka ka kung sinasabi mong mahal mo ang tao pero ni minsan hindi ka nagselos.

Natural lang talaga yan, lalo na sa mga babae at mahal na mahal ka. Kung tutuusin, swerte ka na kung magselos sya sa'yo eh. Minsan, sweet talaga pag may taong nagseselos. Malalaman mo na love ka nya.
Oh. Kanino ka agree? Kay 1st definition o kay 2nd definition? :)

Ahayyy. Pasensya. Nagbuhos lang ng nararamdaman dito sa blog ko.

Hello, 2011!

Limang araw ang nakaraan nang matapos ang New Year. Hindi ko na-update ang blog ko sa kadahilanang isa sa aking gustong baguhing ugali ay ang magsipag lalo. Ayun tuloy, hindi ko na naasikaso ang blog ko.

Hindiganon kaingay ang new year ko dahil hindi ako nagpaputok. Lusis lang at PopPop lang pinatutok at pinailaw ko. Ewan ko ba at parang wala ako sa mood ako magpaputok. Pero may dalawang dahilan bakit d ako nagpaputok. Una, mahalaga ang kamay ko sa kurso ko, ang Fine Arts. Dapat pagkatapos ng Christmas vacation ay kumpleto pa rin ang sampung daliri ko. Pangalawa, pumunta sa bahay si Sim, kaya 50% ng attensyon ko nasa kanya, 50% naman sa mga utos ni mommy para hindi ako mapagalitan at mapagsabihan na si Sim lang inaatupag ko. Tsk. Para patas.

Masayang nakipaglaro ako ng Text Twist, at Jewel Quest kay Sim. Inaagawan nya pa nga ako ng trono sa harap ng laptop eh. Pero ako lagi nakakahula ng longest word sa Text Twist. Hahaha. Sabay din kaming kumain ng mga nakahanda sa lamesa kahit na hindi pa tapos magluto si mommy. At nakakagulat pa dahil nakaubos sya ng dalawang pinggan ng kanin na may puchero at dalawang pinggan pa ulet na puno ng spaghetti. Talo nya pa ako sa kaninan pero mas malaman ako sa kanya. Tawa ko ng tawa sa laki ng tyan nya nun.

Nasa loob lang kami nang bahay. Tumutulong sapagluluto ni mommy. Maya-maya, hindi na gumana yung gasul sa para sa kalan. Oh no! Wala pang sauce ang spaghetti namin. Kaya, nag-kalan de uling na la ng kami. Bulong ni Sim sa akin...

"Tutulong ako sa pagpapabaga ng uling ah. Expert ako dyan!"

Ahaaaaay! Nakakakilig naman! Ayan ang gusto ko sa kanya eh, yung sanay sa hirap. Go na go sya sa pagpapabaga ng uling habang ako naman, tinitignan sya...

"Oh, baka amoy usok ka na ah!"

"Ok lang yan!" sabay ngiti


Paypay lang sya ng paypay ng uling. Nakaktuwa syang tingnan. Daig nya pa ako sa mga ganyan. Nakakahiya no? Ok lang. Masipag din naman ako. Minsan nga lang inaatake ni Katam (katamaran). :D

11:00 ng gabi nang sya ay umuwi sa bahay nila. Hinatid namin sya. Nuod na naman kami ng horror film sa kotse. Magkahawak lang kami ng kamay. Habang nasa byahe, inabot na ni mommy yung regalo nya para kay Sim. Buti pa nanay ko may regalo sa kanya, samantalang ako wala. Di bale, may regalo naman nyang pagmamahal sa akin araw-araw. Naks!

Ang kanyang presensya ay nagsilbing regalo nya na din sa akin. Napasaya nya ako ng sobra!

Ngayong 2011, hindi na ako masyadong magtatampo sa kanya at hindi na ako magseselos sa mga ibang babae na nakakasalamuha at kaibigan nya. Alam ko naman na akin sya eh. Hihi.

Pag-uwi, naglagay agad si mommy ng mga barya sa kaserola tapos inalog alog yun para umingay. Pagkatapos nyang gawin yun, hiningi ko na yung mga barya. Madami-dami din un! Hahaha. Tapos binigyan nya pa kaming magkakapatid ng malulutong na bente para ilagay sa bulsa. Swerte daw. Sumunod na lang. ako. Arbor na rin yon!

Ayon. ang bilis ding lumipas yung Bagong Taon na putukan. Mga ilang minuto lang, wala na masyadong putukan. Ang dami ring natirang mga handa. Ayun, halos di na magkasya sa ref. Pagkatapos nyun...

Lights off.

up