signs?

Hay grabe! Hindi ko talaga akalain na hindi matutuloy ang pakikipag-break ko sa kanya.
Dapat kasi nung kahapon [Friday] pa yun kaso hindi natuloy dahil sa Bagyong Isang! Kaya nga thankful ako sa bagyong iyon. Sya ang dahilan kung bakit kami pa rin hanggang ngayon.

Ito ang mga naisip ko..
"Siguro hindi pa talaga time para hiwalayan sya"
"Sinadya talaga ng fate ko na magpadala ng bagyo para lang hindi mangyari 'yon"
"Siguro were meant to be!"

Grabe! Ang drama noh? As usual.. hahaha
Buti na lang talaga nagka-bagyo. Alam kong inis na inis ang ibang tao dahil sa bagyo dahil baha,
lilipad na naman ang bubong nila at brown-out sa iba. At siguradong masaya ang mga estudyante dahil walang pasok!!
Isa na ako sa mga estudyanteng iyon pero hindi talaga iyon ang dahilan kung bakit gusto ko ng bagyo (sa ngayon lang).

Meant to be nga ba?

Hmmmmm. Siguro. May mga signs kasi akong hiningi. At sa kabutihang-palad. Natupad ang mga 'yon!
Ito yung mga signs na hiningi ko.. (not in order)
1. Kapag hindi kami natuloy sa friday (the day kung saan kailangan ko syang i-break), para kami sa isa't isa.
2. Kapag nag-txt sya sa akin after 15minutes, love nya talaga ako.
3. Kapag nag-online sya bago ako mag-offline sa Y!M, we're meant to be.. (nangyari nga! pipindutin ko na sana ang "Sign-out" sa Y!M, bigla syang nag-online. Kaya hindi ko na tinuloy..saktong-sakto talaga!)
4. Habang nagsusulat ako ng tula for him, biglang pinatugtog sa radyo yung theme song namin! Hindi ko ine-expect yun. Kaya ayun, naiyak ako. Sign ba iyon?


Nakapa-ewan ko naman! pahingi-hingi pa ako ng signs na 'yan. Para wala lang naman nyan - parang just for fun pero nakaka-amaze kasi nangyayari! Hindi naman ako ganung naniniwala sa signs.

Feeling ko nga adik na ako sa kanya eh. Kung adik na nga talaga ako, hindi ko ikakahiya! Pakialam nyo ba kung adik ako sa kanya. At least hindi adik talaga na parang mga taong kanto at mga chuva illegal drug-takers na yan! nyahahaha!

Minsan nga naisip ko na gawin ko yung utos ni mommy na i-break ko sya. Sabi ni mommy, "Kung para nga kayo sa isa't isa, sa huli kayo pa rin ang magkakatuluyan". Ang ganda noh? Kaso natatakot ako.

Ewan ko ba sa sarili ko. love ko na talaga sya.

up