my pet, kumang


He is just a little crab in a shell. Some call it "umang".

Last August, my little sister brought an "umang" to our home. She just found it on the street. She took it.

I asked her if she wants to give it to me. She agreed.
I'm not good in naming something so I named the umang "kumang".

Sobrang napamahal na ako sa kanya. Even my mommy and daddy loved him. We treat him as our baby boy.

Here's his picture.


He's so cute.


We all know that everything has its end.

This morning of October 13, 2010 on estimated time of 6:58 am, my younger sister texted me na lumabas na si kumang from his shell. She told me that he looked like dying. After reading that text message, my eyes started crying. My eyes are filled with my tears. All the time in my school, I prayed a lot and cried. I didn't stop texting my younger sister, asking about kumang. I'm so worried about him.

"Wag mo akong iwan kumang. Love na love kita." I kept myself in saying these words.

My classmates asked me why I'm crying. I told them that kumang is dying.


11:23 am.

My sister texted me.

"Ate, wala na si kumang..."

I was shocked on what I've read. I burst into tears. I can't believe that kumang has left us.

That time, I want to went home but I can't because I have some school works to finish. I just cried and cried. I tried to stop from crying but i can't. Everytime na naiisip ko sya, I cry.

Here's my classmates again, asking why I'm crying.

"Patay na si kumang. Yung alaga ko." sabi ko.

Some chuckled and some comforted me.

"Ang babaw mo naman."
"Dahil lang doon?"

That response irritated me. They didn't understand what I feel.

Dahil lang ba sa maliit na nilalang lang sya? Dapat lang na iyakan ko sya kasi love ko sya at minsan sya yung nagpapasaya pag mag-isa lang ako sa bahay.

Emman told me that I'm a person with "pusong mamon". Yeah, he's right.

Buti na lang, I have av video of him. I recorded this video while waiting my time to leave our home to go to school. I played with him.


I'll miss how he walk, run (not that fast but he's cute when "running") and how he climb everywhere in our home.

I'll miss how he hug us. Paano? Iniipit nya yung tela ng damit namin by his "sipit" sa kamay. Oh oh, that makes me smile.

I really really love kumang...so much! I'll keep his shell for remembrance. He's always in my heart.



how much I love him?


Maraming magtatanong sa akin kung gaano ko kamahal si Sim. Sa bawat tanong nila, isang ngiti lang naisasagot ko sa kanila. Siguro kaya ngiti ang sagot ko sa kanila dahil siya ang dahilan ng kasiyahan ko, sunod sa pamilya ko. Pero hindi lang doon masusukat ang pagmamahal ko sa kanya. Ewan ko ba. Hindi ko alam.

May quotation nga na...

"Words are not enough to define love."


Oo nga naman. Kahit sabihin ko sa iba na mahal na mahal ko siya, hindi iyon sapat. Kahit na sabihin ko sa kanya na sobrang mahal ko s'ya, hindi pa rin ito sapat. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Pakiramdam ko, wala pa sa kalingkingan ng mga salitang "mahal na mahal kita" kung gaano ko sya kamahal.

Sa tuwing kasama ko siya, hindi lang masayang-masaya ang nararamdaman ko. Sa tuwing may tampuhan kami, hindi lang bagabag na bagabag ang nararamdaman ko. Kapag may ginawa siyang ayaw ko tapos maiinis ako, saglit lang at humuhupa agad ang inis ko. Lalo na pag nakakatanggap ako ng yakap mula sa kanya, parang mas cloud 9 pa sa cloud 9.

Kapag uwian na at sabay kami umuwi, parang ayaw kong humiwalay sa kanya. Imbis na una syang bababa sa akin, sumasabay pa sya sa akin sa bababaan ko kaya medyo napapalayo sya sa dapat nyang babaan. Sa mga oras na nakababa na kami ng bus, parang ayaw ko muna syang paalisin sa tabi ko kahit na halos buong araw na kaming nagkakasama. Hindi ako nagsasawa. Hindi ako nagsasawa na kasama sya kahit na may mga oras na magkasama kami tapos walang salitang lumabas sa bibig namin. Sabi nga sa kanta, "you say it best when you say nothing at all".


Minsa nga may pinasa syang text na gawa nya para sa akin.


Gaano ko ba s'ya kamahal?

Di ko nararamdaman ang takbo ng oras 'pag kasama ko s'ya.

Di ko naririnig ang sermon ni mama 'pag galing ako sa kanila.

Nako-comfort ako 'pag sumasandal sya sa akin.

Nawawala ako sa sarili ko 'pag

Feeling ko sinasakluban ako ng langit at lupa 'pag nagtampo s'ya sa akin.

Kahit anong paraan gagawin ko magtext lang s'ya sa akin.

Isang oras pa lang s'yang mawala, miss na miss ko na agad s'ya.

Wala akong ganang kumain 'pag di ko ramdam ang presensya nya.

Lumalawak ang isip ko 'pag naiisip ko ang kinabukasan naming dalawa.

Natuto akong mangarap para sa minamahal ko at 'di lang para sa sarili ko.

Nalaman kong may kulay pa din ang buhay dahil nand'yan s'ya.

Kung tutuusin, 'di naman 'to ang dahilan...

Kasi kahit mawala man ang lahat ng dahilan na ito, mahal na mahal pa din kita.

At wala sa dictionary ko ang salitang "ayoko na" dahil 'di ako magsasawa sa'yo.



Kahit na medyo korni na ang dulo, sobra akong natuwa sa ginawa nya. Naisip ko na napakaswerte ko dahil may Sim ako sa buhay ko. Kahit na hindi ako kagandahan, alam ko na may tunay na nagmamahal sa akin sa kabila ng kahinaan ko.






mahal na mahal ka ni Vanezza Astilla, Rone Adam Mateo. :)

up