wagayway festival (parade)

(ayun oh! The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints! kami yun!)

whooooooooh! grabe!! kakapagaod talaga maglakad. akalain mo yun, naglakad kami ng naaaaaaapakahaba, sa ilalim ng mapakatinding sikat ng araw.!
ilang oras kaming naglakad, parang may patay pa sa sobrang bagal..! amfff.

pagdating dun sa pila, aw grabe, naghintay pa kami ng matagal. tssss...

ayun. kain kami main con yelo pati gulaman, pampatanggal ng init.. :D

ayan.. maglalakad na kami..


ayan. nagsisimula ang death march este parade! whoooh! ang init ng sikat ng araw. as in yung init nya, tumatagos sa sapatos at tsinelas mo... ramdam mo yung init! aw grabe!!

lakad.


lakad..


lakad...

lakad kami hanggang sa matapos yung parade.

umupo muna kami sa tapat ng plasa.. ayun.. may mga dumaan na artista! dalawa nga lang yung nakita ko.
tssss...
syempre!! kinuhaan ko ng picture....

(si ryza ng starstruck! yung naka-yellow..naka sakay sya ng kalesa na walang bubong at yung anak ni robin padilla, yung naka-blue)


(si jackilyn jose..nasa float)



tapos may mga dumaan din na nagsi-street dancing pati yung mga tambol..
hahaha






after nyun.. kain kami ng turo-turo..fishball!!
whooo. tapos lakad na naman kami papuntang church...


tapos na ang paghihirap.


*bow.








more photos
HERE!

TAGA-LiNiS

tssss.. grabe ahh. ako ang pinalinis ng exhaust fan namin na punong-puno ng alikabok.
grabe! ang init init tuloy..
tapos nakapatong pa ako sa mataas na upuan para maabot yung kisame.. argghhh

habang naglilinis, may tumawag . si mommy yung nakasagot..
sabi ni mommy, "ay, may ginagawa pa sya eh. after 5 mins na lang".. narinig ko yun..
tapos binaba na yung phone..
sabi sa akin ni momy na si sim daw yung tumawag, e di ginanahan akong mag-linis pa..
medyo nag-mamadali rin...
ayun!

natapos na akong mag-linis ng exhaust fan, nakabit ko na rin yung elisi...

waiting. . ..

aw grabe talaga! hindi na tumawag si sim after 5 minutes..
ahuhuhuhu....
sayang na naman. kaya sinulat ko na lang itong nangyari sa akin ngayon..

*sigh*

sana kahit mamaya tumawag sya.


Friday, May 22, 2009
4:26 pm

the "onion-skin"

I was about to sign-out my Yahoo!Messenger then I saw Rone got online. My youngest sister insist me to leave the computer 'cause she will use it for doing her "homeworks". Actually, she'll be opening her Facebook account. I got confused, choosing what should I do. I want stay sit infront of the computer and ask her to give a couple of minutes. She pushed to hard that's why I was forced to say "bye" to Rone. That made Rone's head heat-up. Bad trip. That the same time, my eyes began to be teary. I stoppoing myself with all my might just to make the tear not to fall.

I jumped off the chair and lend the computer to my sister. Inside the bedroom, there I cried a lot. Yeah, a lot. I know it's just a little thing but I cried like a baby. Ugh! That happened 5:00pm. I prayed, begging that he was not really mad. I made myself calm and leave the bedroom. My eyes were swollen but I didn't think about it. I didn't care if they see me wearing swollen eyes. That time, it's just the two of us in the house. My mom, dad & tita were not around. My youngest sister was watching television. I joined her. She had just finished using the computer.

Later, the phone rang. My heart beated faster. I had the feeling that it was Rone. My youngest sister, who was watching the television, answered it. She said,
"
Si Sim. Bakit ka umiyak?"
I answered,
"
Wala."

I handled the phone. My tears bursted from my eyes. I sob hard. Rone asked,

"
Bakit ka umiiyak? Narinig ko. Sabi ng kapatid mo."
"
*sob*"
"
Sorry na."
"
Galit ka ba sa akin?"
"H
indi. Badtrip lang ako nun. Tapos sinabayan pa na pa-offline ka na. Lalo akong na-badtrip."
"
Sorry talaga. Gagamitin nga ng kapatid ko."

Apology. Jokes. Laughs. Those made me feel better.
Hindi nya ako natiis that's why he called. We talked almost one hour. Hahaha :)

after that phone call, i was smiling. ^^

stake youth conference (may 14-16 2009) @ CvSU

grabe! ang saya-saya tlga ng SYC! akala ko nung una hindi ako mag-eenjoy kasi stake lang, syempre, kilala ko na yung ibang youth nun. pero mali ako! madami pa pala akong hindi nakikilalang youth sa cavite stake. dahil gustong-gusto kong SYC ngayong year. ike-kwento ko ito ng buo (sana) para maalala ko ring ang lahat pag binasa ko ito ulit. ang dami kasing masasaya & SWEET memories eh. paano kasi kasama ko luv ko:D

[DAY 1]

4:OO am nung umalis kami ng bahay para pumunta sa imus chapel kasi doon ang meeting place namin. grabe! sobrang aga pa nun! syempre, pagdating doon, nakipag-kwentuhan ako sa mga kapwa ko youth. maya-maya, dumating na yung bus! that time, medyo excited na ako, nakakita na kasi ako ng bus! hahaha. kaya ayon, gustong-gusto ko nang ilagay ang gamit ko sa bus, tapos pumasok sa bus. akala ko hindi ako magiging excited, pero super kabaligtaran pala yun :D
nag-attendance pa kami, nag-ayos ng gamit & nag-pray before umalis ng chapel.
Sa bus na! magkatabi kami ni xyra sa upuan. Syempre, picture-pi
cture (stolen pictures ako lagi), kain, kwentuhan & tingin sa bintana ang ginawa ko dun hanggang sa makarating kami sa destination ang Cavite State University sa Indang, Cavite.


(ako & xyra sa bus)

*******

(arrival. sa harap ng dorm. dyan kami matutulog for 3days)

Ayun! pagdating namin sa dorm, nag-register pa kami. medyo matagal rin kaming nghintay bago makapasok. habang nag-hihintay, (wiiii!) nakita ko si luv.. WHOAH! ang saya ko na nyun! aun, kinikilig. hahaha.. sa 4th floor kami at aakyat kami doon using stairs. grabe ang hirap nyun! may mga dala pa kaming mga maleta & malalaking bagahe. phew! wala pang tumulong sa amin. kawawa naman kami. pagdating sa kwarto, lapag agad ng gamit sabay higa agad sa foam. kainis nga eh, wala kaming bed. as in sa lapag kami matutulog na may foam. inayos na rin namin ni xyra ang aming mga gamit kasi mgbe-breakfast pa kami after preparing ng room.

(ayan ang room namin! kitams! nasa baba ang foam. c xyra yung nakatalikod ^^)

after nyun. bumaba na kami to eat our breakfast. grabe! ang daming activities namin after that. una may opening exrecises, tribe's flag making then konting games. sa flag making, ako yung nag-lettering ng tribe name namin. grabe! feeling ko kami ang may pinaka-panget na flag. para kasing walang ka-effort effort ang paggawa. paano kasi wala kaming masyadong maisip na theme para sa flag kaya kung anu-ano na lang ginawa namin. hahaha! tapos nyon, naglaro kami ng mga games and may cheering competition! unfortunately, hindi kami nanalo both flag making at cheering competition. pero ok lang 'yon! at least we enjoy naman ang mga activities.

Lunch time na! syempre kain kami. as usual, ulam na may manok. tapos kain, balik kami gymnasuim. may mga games ulit. tapos games ulit sa may oval & soccer field! may group racing pati tug of war! hahaha! sumali ako sa group racing, panalo kami dun! wiiiiiii! kaso talo kami sa tug of
war. grabe! dun ako kinikilig sa time na yun. paano kasi katabi ko si luv ko. ayun laro kami tic-tac-toe. hindi na nga kami masyadong naka-contribute sa grupo namin sa games eh. wiii! tapos sinubuan ko pa sya ng chocolate na prize namin sa group racing. ayiii! kinikilig ako. after that, balik na kami ng dorm! preparation na kasi for dance social night! ayiii! my favorite part ng conference^^ . at last! nakaligo din kami after ng mga games na yan! sobrang pawis na pawis kasi kami nyun. wii. sabay pa kaming naligo nila punggay & xyxy. grabe! after ligo namin, pawis p rin kami ni xy! paano kasi walang electric fan sa room namin.


(ako, ate ivy & ate kc during dance presentation per ward:D)


ayan! dance social na. pero bago yun, may hawaiian dance presentation pa kami. first na nag-present ang bacoor ward, cavite 1st ward, cavite 2nd ward, kawit ward, molino 2nd ward, noveleta ward, general trias ward, rosario ward, imus ward, & molino 1st ward. then, sayawan na!! hmmm. sweet
dance syempre. isa lang ang nakasayaw ko in that whole night. si luv ko lang, kaya masayang masaya kami. super bonding din kami nyun. sabi ng luv ko, 19 songs daw lahat-lahat 'yon. medo napagod din ang mga paa namin dahil non-stop kaming sumayaw that night. we really enjoy each other. ayiiii :D

(presentation namin)

after dance social, we prepare for bed na. super pagod kami. kasama kong natulog yung facetowel ng luv ko na pinahiram nya sa akin nung dance social, pawis n kasi ako nyun. amoy pabango nya nga eh. sleep time.


[DAY2]

mga 3:OO am nagising na kami ni xyra para maligo. inagahan namin para wala pa masyadong gising at walang kaagaw sa banyo. ayun! super ligo kami kahit sobrang lamig ng tubig. after preparing, diretso na kami sa may gymnasium para sa group scripture study. pero bago nyun, may exercise pa! syempre di ako papahuli! na-miss ko yata ang pagtakbo! kaya go ako! takbo ako sa oval. that was my first time na makatakbo sa oval. hehehe. wala sa bundok eh. ^^
after that naligo ang iba tapos kumain ng breakfast. ayun, champarado ang aming kinain. ayiii. tapos nandoon luv ko kaya sarap kain ko^^. then, kwentuhan kami nila xyra at luv ko sa may ilalim ng puno habang naghihintay ng next activity. then dumating na ang time para sa next activity. pumunta kami ng swimming pool for rescue workshop. may workshop for CPR & saving life sa tubig. habang nakikinig sa nagtuturo, nakita ko luv ko tapos nag-share sya sa akin ng softdrink. kahit nainuman nya, tinanggap ko pa rin. hahaha. tapos hiwalay muna, balik sa kanya-kanyang grupo. grabe, medyo bored na ako niyon kasi madaming beses ko nang napag-aralan yung CPR & life saving. di na rin ako masyadong nakikinig nyun. then, malapit nang matapos ang workshop. tabi kami ni luv sa may ilalim ng puno dun habang si xyra nasa harap namin. ayun, kwentuhan ulit. haaaaysss.. babalik na daw kami sa taas for lunch! whoah! salamat at kakain na after ng mahabang workshop na yun. sabi ko ka luv ko na hintayin nya ako sa taas, kasi sa may baba yung pool eh, may hagdan pa tapos medyo lubak-lubak yung place. sinundan ko ng tingin c luv ko hanggang sa maka-akyat na ang grupo nya, siya kasi yung group leader kaya nangunguna at sila ang unang umakyat kaysa sa amin.

(halatang bored ako during workshop. me in white shirt with collar^^)

medyo sad ako nyun kasi hindi ako hinintay ng luv ko. pero ok lang. naabutan ko naman sya sa paglalakad kasi medyo mabagal lakad nya. pagod na yata luv ko nyun. wawa naman. tapos, sabay kami sa paglalakad! ayiii.. then akyat na kami sa taas para mag-prepare for lunch.
after lunch, punta kami gymnasium for scripture mastery. bagong ligo nang nakita ko luv ko! grabe, nahihiya akong tumabi sa kanya nun kasi sya bagong ligo ako hindi. nag-aalala lang ako kasi baka may something awful smell na ako. pero wala pa naman daw sabi ni xyra. hehehehe. grabe! ang saya ng games. una, scripture chase tapos may ibang games na tatalon sa hurdles. whoah! sumali luv ko dun, kaso sumablay sya. pero ok lang yun. fortunately, kami ang nanalo sa lahat ng games nun. kami ang nakakuha ng gold medal. after that, naghanap ng kanya-kanyang pwesto ang bawat tribe for the Spectacular (presentation n
g kahit ano). todo practice kami for that said activity. kasko nung una wala pa kami masyadong naisip na gagawin. super brain-storming kami nun. after practice, kain kami dinner. wiii. manok ulet! ^^ . ayan na! presentation na! tsss. kinakabahan ako! feeling ko nga parang ayaw kong sumali na eh. ewan ko kung bakit. tapos, dumating ng yung turn namin para mag-present. awhooo! tae! ang panget ng presentation namin. maling-mali lahat! mali yung pasok, mali yung ginawa & mali ang formation. para tuloy kaming mga ewan sa stage nyun, unlike sa ibang tribe ang ganda-ganda ng presentation, yun bang parang isang month pinag-praktisan!.
(halatang tawa ako ng tawa. me in brown jacket:D)
habang nasa stage, tawa ako ng tawa. di ko talaga napigilan tawa ko nyun. natatawa kasi ako sa itsura naming lahat. pagbaba ng stage, tumatawa pa rin ako hanggang sa pag-upo namin. tsss. nababaliw na yata ako. nakakahiya naman sa luv ko. ayan, awarding na. hmp! hindi ako aasang mananalo kami kahit best in production, best actress & best actor pa man yan. after ng awarding, sabay kami palabas ni luv. grabe! paglabas namin, napatingin ako sa langit! ang daming stars! ang ganda talaga! feeling ko nasa langit ako! ang sarap kasi ng feeling na kasama mo mahal mo habang nakatingin sa langit na puna ng stars! hahaha! corny! ayun, tingala kami ni luv. tapos lakad na pabalik ng dorm. then prepare for bed na kami! sa kwarto, di pa ako masyadong makatulog nyun, kaya gawa ako ng letter para sa luv ko. kaya pinunit ko ang isang drawing ko sa sketch pad ko tapos nandun yung letter ko for him sa likod.ka-kornihan ko nga naman, umiiral:))

(here's the drawing...)
tapos kong sumulat, syempre tulog na.

*lights off.



[DAY 3]


as usual, gigising kami ni xyra nang maaga para makaligo para wala masyadong kasabay at kaagaw sa banyo.
nag-prepare na kami for exercise.

pagdating sa oval, takbo kami. super takbo ako nyun kasi last day na n
amin yun kaya susulitin ko na yung oval.

(takbo sa oval . . . whoah!)

maya-maya, nag-exercise na kami. sina ate cherry, josan at jershon ang nag-lead ng exercise. grabe may pahiga-higa pa kami sa lapag. super labas kami ng pawis nyun. talagang sinusuli
t ang last day :)

after ng exercise, syempre, pikchuran kami! wala kasing magawa



then diretso kami sa dorm para kumuha ng gagamitin na kakainan namin for breakfast.
whoah! kainan na!


naglakad-lakad kami ni xyra pagkatapos kumain. kasama namin si sim. umupo kami sa ilalim ng puno at ayun, kwentuhan kami.


ilang minutes lang, pina-prepare na kami for testimony meeting per tribe, devotional at closing exercises!
nag-damit na kami ni xyra ng sunday's best. tapos punta na kami sa gymnasium for the said activity.

sa testimony meeting, isa-isa kaming nag-testimony syempre..



sa devotional.. . .

whoah! grabe! super bored ako nyun. halos makatulog na ako sa boredom na nararanasan ko. nakakahiya nga sa mga ka-grupo ko kasi tumatango-tango ako sa antok. hahahaha. pakialam ba nila eh inaantok ako. . sila rin naman. tapos may mahabang talk pa ang isang speaker sa harap. halos umabot sya ng one hour kakasalita sa harap.

(pikchuran habang devotional para mawala si Boredom)

..buti na lang at dala ko ang sudoku ko at may nagawa rin ako.
natapos na ang devotionlal. diretso agad sa closing exercises.. wala man lang break?!

ayun, binigay na ng bawat tribe ang mga flag sa mga leaders habang kumakanta sina jershon at katrina ng Auld Lang Syne.. (flag retrieval)

tapos may konting awarding. Benjamin tribe ang nanalo sa over-all. yung tribe namin?? ayun, kulelat. hahahaha.

hayzzzz.. salamat, natapos din.
syempre, nag-tayuan ang lahat. yung iba nag-ba-bye sa mga friends nila tapos yung iba picure taking.

sabay kaming lumabas nila xyra at sim mula sa gym. tapos akyat kami sa kwarto para kumuha ng pinggan para sa lunch.

pagkakuha ng pagkain, punta kami sa may parang sidewalk na may upuan. doon kami kumain ni xyra. kasama namin sina ate vanessa, ate diane, kim, friend ni kim, josan, jose at yung iba pa. maya-maya dumating si sim at doon naki-join sa amin.


(ayan kainan! si josan yung nakatayo, si ate diane yung nakapikit at si xyra yung nakatalikod)

(ako at si sim..kumakain pa sya..ako, nagmamantika ang kamay dahil nag-kamay lang ako. hahaha)

wii. busog na busog kami. paano kasi ang taba ng manok na kinain namin. ayun, manok pa rin ulam. lagi na lang. hahaha...

tapos kain, akyat na kami sa taas para mag-ayus ng gamit.. habang papunta sa dorm, aalis na daw sila sim syempre kasama ang ward nya. nag-ba-bye na kami ni xyra sa sa kanya. tapos punta na kami nu xyra sa kwarto. nag-impake na kami. tapos take ng last pictures namin sa dorm...

(ako at si xyra sa hallway ng 4th floor kung saan room namin.. after sa pagbaba namin ng bagaha namin)



(huling cubicle na ginamit ko! medyo madumi pa pero kakalinis lang yan... hahahah!.. souvenir?!)


tapos..

naghihintay na kami sa pag-alis.. habang nag-hihintay.. syempre, picture taking!!!!


(with jose and jose's sister, xena)


(kargador of imus ward! hahaha.. joke.. si nonie at zandrei yan)

ayan. nakapasok na kami ng bus. ready to go na!
whohooo!...

aalis na kami.. pero kumuha ako ng last pictures ng CvSU! whaaaah! ang drama??? syempre, mami-miss ko rin yun kahit papaano..






travel


travel

travel

travel..


nakatulog ako nang...



,....biglang may umutot daw sa likod ng bus!
whoaaaaahhh! umabot yung amoy sa harap kung nasaan kami ni xyra. nagising tuloy ako nyun.
hindi namin alam kung sino ang nagpasabog nyun. pero ok lang yun. natural lang naman yun sa tao kaya back to normal...



pagkatapos ng mahabang byahe... nakarating na rin kami sa church..
tapos, kanya-kanyang uwian na...



(last picture taken this SYC.. pagdating sa church)


end. :)



more pictures
HERE!



up