pagkabata

(ako at ang aking mga kalaro noong bata pa ako. ako ang NANGANGAMOT ng paa. *lol)


Ang saya talaga pag inaalala mo ang childhood memories mo. Puro kadugyutan ang ginawaga, takbo doon takbo dito, puro laro maghapon, walang pakialam sa sarili kung nadudumihan na o puro putik na o madami nang gasgas at sugat ang katawan at puro kendi at chichirya ang paboritong binibili kay aling tindera. Basta pag bata, walang pakialam sa mundong nasa paligid nya basta ang para sa kanya a
y sumaya lang sya at makuha ang gusto nya. Grabe talaga ang bata, kapag ayaw pagbigyan ng nanay at tatay sa kung anu gusto nyang bilhin dahil wala nang pera o mahal ang gusto, kahit sa gitna ng karamihan ay magngangawa at iiyak sya ng todo-todo. Kaya ang mga magulang ay no choice kundi bilhin an gusto nya para lang tumahimik, kumbaga "spoiled".

Pagdating sa mga larong kalye, nagsasanib pwersa ang lahat ng kabataan sa buong eskinita, minsan mangyayaya pa ang iba ng kalaro galing sa kabilang eskinita. The many-er, the happier nga di ba. Merong taguan, tumbang preso, taya-tayaan, bahay-bahayan, piko, chinese garter, 10-20, limbo rock, luk
song tinik, luksong baka, taguang tsinelas at marami pang iba. Bago magsimula ang laro may "ma-iba, taya" o di kaya "kopong-kopong" para makagawa ng grupo. Ayan na, simula ang laro. Masaya ang lahat! Maingay, nagsisigawan. Hindi rin maiiwasan ang sigaw na "Wala! Madaya!". Hindi mawawala ang mga salitang iyon sa mga laro. Minsan pag nagkainitan ang mga bata, todo sigawan na 'yan. Nag-aaway na, umiiyak naman ang iba at sinasabing "Susumbong kita sa mama ko!" sabay dila pa sagot naman ng isa, "E di isumbong mo!", pero sa loob nyan takot na takot na. Pero maya-maya, magbabati na rin sila, huhupa rin ang init nga mga ulo ng bata. Tapos, babalik sa laro, hindi nila matiis na di makipagbati dahil pag di sila nakipag-bati, wala na silang kalaro sa susunod na mga araw. Pagtapos ng laro, tagaktak na ang pawis, nangangamoy na at halos lahat ng alikabok ng kayle ay nasa katawan na.

Minsan naisip ko, ang sarap talaga maging bata. Walang pinoproblemang mga malalaking problema. Sa tingin ko nga ang problema ng mga bata eh ang kung paano sila makakatakas kay nanay para maglaro kung di sila pinapayagan at kung paano umiwas kung pinapaligo na sila kahit gustong-gusto pa
nilang maglaro. Wala ring pinoproblema ang mga bata tungkol sa pag-ibig dahil hanggang crush lang sila lalo na sa mga artista sa telebisyon.

(ang kapatid ko at ako habang kumakain ng icecream sa baso)

Sa panunuod ng telebisyon, walang kaduda-duda na paborito ng mga bata ang mga palabas na Sesame Street, Dora the Explorer, Blue's Clues, Barney, Bear in the Big Blue House, Teletubies at iba pang pangbatang palabas na korni daw pagdating sa mga matatanda. Makikita mong magbibilang ng 1-2-3 si Dora kasama si Boots, sinasabayan sa pagkanta sina Barney, Steve at Big Bird. Para sa kanila, isang napakagandang palabas 'yon. Tuwang-tuwa pa sila. Minsan sinasabayan pa nila si Dora. Pag sinabi ni Dora na "jump", tatalon din talaga sila. Feeling nila kasama nila si Dora. Sasabay palakpak at malakas na halakhak.

Ako noong bata pa ako, ganyan din talaga ako, walang pakialam sa mundo basta sumaya lang ok na. Grabe ako maglaro dati. Naaalala ko tuloy noong bata pa ako na nalalaro kami nila Jara, Lelei, Jillanne, Che-Ann, Nonie, Sen-Sen, dalawa kong kapatid at yung iba pa. Gumugulong kami sa damuhan kahit na yung mga damit namin ay mga magagandang bistida, naka-stockings o di kaya medyas na mas lace, polo at slacks naman sa mga lalaki. Wala kaming pakialam kung madumihan 'yon, di kaya mag-run yung mga stockings at madumihan ang mga medyas na paulit-ulit na nilalabhan ni nanay ng pagkahirap-hirap dahil sa sobrang dumi dahil hinuhubad ang sapatos kung naglalaro. Umaakyat din kami sa puno ng sampalok at mangga sa lagay na iyon. Kukuha ng sampalok tapos hindi naman kakainin. Magbabahay-bahayan kami malapit sa halaman ng santan tapos mag-iipon ng maraming dahon at lupa na binasa para daw "pagkain" namin. Kadugyutan talaga.

Ngayon, hanggang alaala na lang ang mga iyon. Isang masasayang alaala ng kabataan. Hinahangad na kahit na dalaga na ako ngayon ay magawa ko pa rin ang mga iyon. Kaya ko naman gawin kaso hindi na bagay sa akin. Haaaay. Masarap talaga maging bata.


up