Hello, 2011!

Limang araw ang nakaraan nang matapos ang New Year. Hindi ko na-update ang blog ko sa kadahilanang isa sa aking gustong baguhing ugali ay ang magsipag lalo. Ayun tuloy, hindi ko na naasikaso ang blog ko.

Hindiganon kaingay ang new year ko dahil hindi ako nagpaputok. Lusis lang at PopPop lang pinatutok at pinailaw ko. Ewan ko ba at parang wala ako sa mood ako magpaputok. Pero may dalawang dahilan bakit d ako nagpaputok. Una, mahalaga ang kamay ko sa kurso ko, ang Fine Arts. Dapat pagkatapos ng Christmas vacation ay kumpleto pa rin ang sampung daliri ko. Pangalawa, pumunta sa bahay si Sim, kaya 50% ng attensyon ko nasa kanya, 50% naman sa mga utos ni mommy para hindi ako mapagalitan at mapagsabihan na si Sim lang inaatupag ko. Tsk. Para patas.

Masayang nakipaglaro ako ng Text Twist, at Jewel Quest kay Sim. Inaagawan nya pa nga ako ng trono sa harap ng laptop eh. Pero ako lagi nakakahula ng longest word sa Text Twist. Hahaha. Sabay din kaming kumain ng mga nakahanda sa lamesa kahit na hindi pa tapos magluto si mommy. At nakakagulat pa dahil nakaubos sya ng dalawang pinggan ng kanin na may puchero at dalawang pinggan pa ulet na puno ng spaghetti. Talo nya pa ako sa kaninan pero mas malaman ako sa kanya. Tawa ko ng tawa sa laki ng tyan nya nun.

Nasa loob lang kami nang bahay. Tumutulong sapagluluto ni mommy. Maya-maya, hindi na gumana yung gasul sa para sa kalan. Oh no! Wala pang sauce ang spaghetti namin. Kaya, nag-kalan de uling na la ng kami. Bulong ni Sim sa akin...

"Tutulong ako sa pagpapabaga ng uling ah. Expert ako dyan!"

Ahaaaaay! Nakakakilig naman! Ayan ang gusto ko sa kanya eh, yung sanay sa hirap. Go na go sya sa pagpapabaga ng uling habang ako naman, tinitignan sya...

"Oh, baka amoy usok ka na ah!"

"Ok lang yan!" sabay ngiti


Paypay lang sya ng paypay ng uling. Nakaktuwa syang tingnan. Daig nya pa ako sa mga ganyan. Nakakahiya no? Ok lang. Masipag din naman ako. Minsan nga lang inaatake ni Katam (katamaran). :D

11:00 ng gabi nang sya ay umuwi sa bahay nila. Hinatid namin sya. Nuod na naman kami ng horror film sa kotse. Magkahawak lang kami ng kamay. Habang nasa byahe, inabot na ni mommy yung regalo nya para kay Sim. Buti pa nanay ko may regalo sa kanya, samantalang ako wala. Di bale, may regalo naman nyang pagmamahal sa akin araw-araw. Naks!

Ang kanyang presensya ay nagsilbing regalo nya na din sa akin. Napasaya nya ako ng sobra!

Ngayong 2011, hindi na ako masyadong magtatampo sa kanya at hindi na ako magseselos sa mga ibang babae na nakakasalamuha at kaibigan nya. Alam ko naman na akin sya eh. Hihi.

Pag-uwi, naglagay agad si mommy ng mga barya sa kaserola tapos inalog alog yun para umingay. Pagkatapos nyang gawin yun, hiningi ko na yung mga barya. Madami-dami din un! Hahaha. Tapos binigyan nya pa kaming magkakapatid ng malulutong na bente para ilagay sa bulsa. Swerte daw. Sumunod na lang. ako. Arbor na rin yon!

Ayon. ang bilis ding lumipas yung Bagong Taon na putukan. Mga ilang minuto lang, wala na masyadong putukan. Ang dami ring natirang mga handa. Ayun, halos di na magkasya sa ref. Pagkatapos nyun...

Lights off.

20th month.


December 11, 2010. Bukas.

20th month na ng pagmamahalan namin ni Simpoy ko. Sa kabila ng madaming tampuhan at away, nananatili pa rin kaming masaya. Para bang may kadenang hindi maputol-putol sa aming dalawa. Wala sinumang makakahadlang sa amin. Kahit ang pisikal na anyo, hindi kami kayang paghiwalayin. Kahit na ang nega na ugali, hindi kami kayang kalasin.

Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa dami kong kahinaan at imperfections, may binigay Siyang taong makakaintindi sa akin bukod sa aking mga magulang. Taong hindi ako iiwan kahit na corny ako, kahit na tampuhin ako at kahit na hindi ako kagandahan (para sa akin). Pero para sa kanya, ako ang pinakamaganda. Talagang nakakabulag ang pag-ibig. Pero sinabi nya ang "Ang ganda ng baby ko." nang may katotohanan at buong loob. Totoo sya sa sarili nya nang sinabi nya yon. Pero hindi mahalaga 'yon. Ang mahalaga, siya. Siya ang mahalaga para sa akin.

Madami kaming pinagdaanang problema. As in, madami. Pero nalampasan namin iyon nang hindi bumibitiw sa isa't isa.

Pagdating sa lovelife, wala na talaga akong mahihiling pa. Kung meron man, iyon ay ang makasama sya through eternity. Masaya ako sa kanya. Masayang-masaya.


Simpoy, salamat sa pagtanggap mo sa akin. Hayaan mong suklian ko ng soooobrang daming pagmamahal ang lahat ng iyon. Walang iwanan!




PS: corny lang talaga ako.

tears and hugs

pumunta si Sim dito sa bahay kanina. Mga 8:15 na nang maisipan nyang umuwi. Lumabas na sya ng pintuan. Nagsuot sya ng sapatos nya sa loob ng maliit naming gate. Nagsalita sya. Sinabi nya ang mga hinanakit nya sa akin, sa pamilya nya, at maging sa sarili nya.

Magkausap kami habang ako'y nasa loob ng bahay at sya naman nasa loob pa ng gate. Screen door lang ang pagitan namin kaya nakapag-usap pa kami.

Maya-maya, lumabas na ako para hindi na kami mahirapan. Sumandal ako sa dingding. Nagsalita sya ulit. Nahihiya ako sa mga sinasabi nya. Pakiramdam ko, ang sama-sama ko sa kanya dahil sa mga nagawa ko sa kanya. Pero tinanggap ko 'yon dahil aminado naman ako.

Nagsimula nang mamuo ang luha sa ilalim ng mata nya. Niyakap ko sya.


Wag kang umiyak, Sim...

Feeling ko wala akong kwentang tao...

Wag mong sabihin yan. Importante ka sa akin. Mahal na mahal kita...


Tumulo na luha ako. Naramdaman ko ang bigat ng dinadala nya. Naaawa ako sa kanya. Ayaw ko na umiiyak sya. At first time ko syang nakitang umiyak. Kahit ganon, hindi ako na-turn off dahil umiyak sya. Tama lang yon. May emosyon naman din ang mga lalaki kaya may karapatan din silang umiyak. Hindi porket umiiyak ang isang lalaki eh bakla na.


NIyakap ko lang sya ng niyakap. Hinawakan ko din ang kamay nya para ma-comfort sya.

Kumuha ako ng upuan para naman makaupo kami. inakbayan ko sya. Sa mga oras na yon, gusto kong ipadama sa kanya how much I care. Balewala na sa akin ang mga dumadaang tao sa harap ng bahay namin at makita nila na umiiyak kami at yakap ko sya.

Mayamaya, dumating na si daddy. Nakita akong luhaan at si Sim naman, nakatakip ng bimpo yung mukha. Sabi ni daddy..


Oh anu yan? Bakit nag-iiyakan kayo? May maitutulong ba ako?

Wala po daddy. Ok lang po.


Hinihimas ko ang likod nya para gumaan ang pakiramdam nya.


Sana nandito ka na lang lagi sa bahay...para kasama din kita lagi.


Nung dumating na oras na uuwi na sya, parang ayaw ko pa. gusto ko nasa tabi ko lang sya. Pero pailangan n nyang umuwi dahil gabi na. Papagalitan sya kapag nahuli sya.


Siguradong ok ka lang? Nag-aalala ako sa'yo Sin eh.

Ok lang ako. Kaya yan. *hug* i love you..

I love you din...



Habang naglalakad sya palayo, nakatingin kami sa isa't isa..

up