how much I love him?


Maraming magtatanong sa akin kung gaano ko kamahal si Sim. Sa bawat tanong nila, isang ngiti lang naisasagot ko sa kanila. Siguro kaya ngiti ang sagot ko sa kanila dahil siya ang dahilan ng kasiyahan ko, sunod sa pamilya ko. Pero hindi lang doon masusukat ang pagmamahal ko sa kanya. Ewan ko ba. Hindi ko alam.

May quotation nga na...

"Words are not enough to define love."


Oo nga naman. Kahit sabihin ko sa iba na mahal na mahal ko siya, hindi iyon sapat. Kahit na sabihin ko sa kanya na sobrang mahal ko s'ya, hindi pa rin ito sapat. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Pakiramdam ko, wala pa sa kalingkingan ng mga salitang "mahal na mahal kita" kung gaano ko sya kamahal.

Sa tuwing kasama ko siya, hindi lang masayang-masaya ang nararamdaman ko. Sa tuwing may tampuhan kami, hindi lang bagabag na bagabag ang nararamdaman ko. Kapag may ginawa siyang ayaw ko tapos maiinis ako, saglit lang at humuhupa agad ang inis ko. Lalo na pag nakakatanggap ako ng yakap mula sa kanya, parang mas cloud 9 pa sa cloud 9.

Kapag uwian na at sabay kami umuwi, parang ayaw kong humiwalay sa kanya. Imbis na una syang bababa sa akin, sumasabay pa sya sa akin sa bababaan ko kaya medyo napapalayo sya sa dapat nyang babaan. Sa mga oras na nakababa na kami ng bus, parang ayaw ko muna syang paalisin sa tabi ko kahit na halos buong araw na kaming nagkakasama. Hindi ako nagsasawa. Hindi ako nagsasawa na kasama sya kahit na may mga oras na magkasama kami tapos walang salitang lumabas sa bibig namin. Sabi nga sa kanta, "you say it best when you say nothing at all".


Minsa nga may pinasa syang text na gawa nya para sa akin.


Gaano ko ba s'ya kamahal?

Di ko nararamdaman ang takbo ng oras 'pag kasama ko s'ya.

Di ko naririnig ang sermon ni mama 'pag galing ako sa kanila.

Nako-comfort ako 'pag sumasandal sya sa akin.

Nawawala ako sa sarili ko 'pag

Feeling ko sinasakluban ako ng langit at lupa 'pag nagtampo s'ya sa akin.

Kahit anong paraan gagawin ko magtext lang s'ya sa akin.

Isang oras pa lang s'yang mawala, miss na miss ko na agad s'ya.

Wala akong ganang kumain 'pag di ko ramdam ang presensya nya.

Lumalawak ang isip ko 'pag naiisip ko ang kinabukasan naming dalawa.

Natuto akong mangarap para sa minamahal ko at 'di lang para sa sarili ko.

Nalaman kong may kulay pa din ang buhay dahil nand'yan s'ya.

Kung tutuusin, 'di naman 'to ang dahilan...

Kasi kahit mawala man ang lahat ng dahilan na ito, mahal na mahal pa din kita.

At wala sa dictionary ko ang salitang "ayoko na" dahil 'di ako magsasawa sa'yo.



Kahit na medyo korni na ang dulo, sobra akong natuwa sa ginawa nya. Naisip ko na napakaswerte ko dahil may Sim ako sa buhay ko. Kahit na hindi ako kagandahan, alam ko na may tunay na nagmamahal sa akin sa kabila ng kahinaan ko.






mahal na mahal ka ni Vanezza Astilla, Rone Adam Mateo. :)

tears of happiness.

Uwian na. Sabay kaming umuwi ni Sim.

Naglakad papuntang SM Manila para dumaan lang. Naglakad papuntang LRT.

Sa mga oras na 'yon, parang ang ganda ng lahat. Siguro dahil kasama ko sya. Pero iba talaga ang mga oras na iyon.

Umakyat na kami ng hagdan para mag-abang ng tren na sasakyan. Niyakap ko sya. Ngumiti.

Mahal na mahal kita.


Dumating na ang tren. Sumakay na kami. Naka-tayo lang kami dahil wala nang maupuan. Maya-maya, nilagay nya ang isang earphone nya sa tenga ko. Rock yung tugtog. Hindi ko alam ang title dahil hindi naman ako nakikinig ng rock. Pero nakinig pa rin ako.

Pagkatapos ng ilang minuto, iniba nya ang tugtog na aming pinapakinggan.

Hinayaan ko na lang.

Itong kanta na ang tumugtog.






Bumulong sya sa akin habang intro pa lang ang tumutugtog...

Para sa'yo.


Napatingin ako sa kanya. Napangiti. Inaabangan ko na lang ang boses ng kakanta na magsimula. Dahil sabi nya na ang kanta na 'yon ay para sa akin, pinakinggan ko ito nang mabuti.





"Lagi na lang tayong nag-aaway
Kahit di dapat pag-awayan
Tuwing ika'y lumuluha ako'y nasasaktan
Pag nakikita kang ganyan
Sige na, tahan na, dahil mahal na mahal kita
Ikaw lang kasi, maniwala ka..."



Nang narinig ko na ang lyrics na 'yan sa kanta, napatingin ako sa kanya. Bumaling ako agad ng tingin. Napatingin ako sa labas ng tren. Naluluha na ako. Pinipigilan kong tumulo yung luha ko. Pero hindi ko nagawa.

Yumuko na lang ako para hindi nya ako makitang naluha baka kasi mag-alala sya...baka isipin nya na malungkot ako.

Pinunasan ko nang pa-simple ang mga luha ko.


Nasa EDSA na kami. Lumabas na kami ng tren.

Inaantay ko sya dahil nahuli sya sa paglabas.


Ang tagal nya...


Tumingin ako sa likod.


sa kaliwa...


sa kanan...


wala s'ya!


Nagtatago pala sa isang poste.

Ngumiti sya sa akin. Ako naman, naluluha pa rin.

Naiiyak ako! Waaaa.

Bakit?

Wala.


Bigla nya akong niyakap.


Bumaba na kami at naglakad.


Bakit ka umiyak?
Wala 'yon. Masaya lang ako.
Hindi eh.
Hindi naman lahat ng malungkot eh umiiyak.
Bakit nga?
Wala po! *ngiti*
Ayaw mo mag-share ng feelings mo sa akin.
Feelings ko? Masaya ako. Ang ganda ng kanta! Naiyak ako.

Para sa'yo 'yon, baby...

...dinownload ko pa 'yon para iparinig sa'yo.


Napangiti ako.


Mahal na mahal kita...
Mahal na mahal din kita.



Hindi po kita iiwan.




Ikaw lang ang nais kong makasama
Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasang
Gusto kong makapiling

Pagkatapos ng isang buwan ng buhay kolehiyo...

Masasabi kong nag-aaral akong mabuti dahil:

  • Lagi akong puyat...kaka-aral, hindi kaka-internet.
  • Tinutubuan ako ng mas madaming pimples. tsk!
  • EYEBAAAAGS!
  • at...pumapayat daw ako

Pansin naman na hindi ko na masyadong naa-update ang blog ko dahil kita mo naman yung gap ng date ng post na ito at sa last blog post ko. Hindi ko na rin nababago yung itsura ng blog ko. Pakiramdam ko nga eh wala na akong balak baguhin pa ito. Tinatamad na ako pero ginaganahan akong mag-aral. Alam nyu naman dahil sa inspirasyon ko. Kilala mo na yun, 'yun eh kung nabasa mo na yung ibang blog post ko. Hahaha.

Masaya naman ako sa unang isang buwan ko sa college. Pansin ko na improving ang mga drawings ko ngayon. Medyo hirap pa rin ako sa pag-ssip ng concepts para sa mga artworks na gagawin namin.

Alam ko naman na matututo ako ng lubos dahil TUP ang pinapasukan ko at nag-aral ako para matuto...nag-aaral nang mabuti.

Hanggang dito na lang muna ako. Gagawa pa ako ng artworks ko. Kung mabibigyan ako ang free time, gagawa ako ng webpage kung saan ipo-post ko lahat ng artworks ko. Maaaring kulang ang malalagay ko dahil pinasa ko na sa mga professors ko.

Paalam! Goodluck sa ating lahat na nag-aaral. Mag-aral tayong mabuti! :)

up