20th month.


December 11, 2010. Bukas.

20th month na ng pagmamahalan namin ni Simpoy ko. Sa kabila ng madaming tampuhan at away, nananatili pa rin kaming masaya. Para bang may kadenang hindi maputol-putol sa aming dalawa. Wala sinumang makakahadlang sa amin. Kahit ang pisikal na anyo, hindi kami kayang paghiwalayin. Kahit na ang nega na ugali, hindi kami kayang kalasin.

Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa dami kong kahinaan at imperfections, may binigay Siyang taong makakaintindi sa akin bukod sa aking mga magulang. Taong hindi ako iiwan kahit na corny ako, kahit na tampuhin ako at kahit na hindi ako kagandahan (para sa akin). Pero para sa kanya, ako ang pinakamaganda. Talagang nakakabulag ang pag-ibig. Pero sinabi nya ang "Ang ganda ng baby ko." nang may katotohanan at buong loob. Totoo sya sa sarili nya nang sinabi nya yon. Pero hindi mahalaga 'yon. Ang mahalaga, siya. Siya ang mahalaga para sa akin.

Madami kaming pinagdaanang problema. As in, madami. Pero nalampasan namin iyon nang hindi bumibitiw sa isa't isa.

Pagdating sa lovelife, wala na talaga akong mahihiling pa. Kung meron man, iyon ay ang makasama sya through eternity. Masaya ako sa kanya. Masayang-masaya.


Simpoy, salamat sa pagtanggap mo sa akin. Hayaan mong suklian ko ng soooobrang daming pagmamahal ang lahat ng iyon. Walang iwanan!




PS: corny lang talaga ako.

up